Siphayo sa Sistema
Pikit matang nakatingin
Takip tengang nakikinig
Sa hinaing naming angkin
Sana namay iyong dinggin
Bawat butil ay katumbas ng isang litrong pawis
Isang sako ng semento na aking hinahagis
Isang galon ng tubig mula sa batis
Isang kain sa isang araw ang dapat matiis
Lusong sa putik, hatak sa lubid
Wag bumitaw at higpitan ang kapit
May mga anak na nag hihintay
Sa siopao na dala sa pag uwi ni tatay
Sa kabilang banda
Tanaw ng aking mata
Mula sa itaas ng aming bobong
Mga ngiping de ginto
At mala asong nag aalolong
Mga di na makatayo
At mistulang lumpo
Mga halal na mababait
At kunwaring di mapanakit
Mga de kotseng buwaya
Na kayang maglakad sa dalawang paa
Mga gutom na tigreng
Gustong kainin ay pera
Kasakiman sa lupang nasilangan
Pagkamuhi aking natutunan
Mga asong nag bibingibingihan
Sa panaghoy ng karamihan
Na di nila masilay-silayan
Mga ulupong na gahaman sa pera
Mga nag aastang hari at reyna
Ngunit demonyo ang sa kanilay marka
Sanay iyong nabatid ang aking siphayo sa sistema.
[End]
This has been CrazyInsane chow 👋