Revenge Horror Story

3 30
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

"Savanna apo salubungin mo nga ang mga bisita natin"

"Sino po yan Lo? Bakit puro lalaki?"

"Ah Si Sir Mike at mga barkada nya yan apo. Magbabakasyon daw sila dito"

Hindi na ako nagtanong pa at sinalubong na ang mga bisita mukhang mababait naman ang mga ito. Ang isa pa nga ay busy magbasa ng libro.

Mga anak mayaman ang mga ito. Si Sir Mike ang anak ng may ari ng resort na ito caretaker lang kami ng Lola at Lolo ko. Ang pangalawa ang si Leo, Jack, Sam at Rick.

Hinatid ko lang sila sa kanilang cottage at umalis na din ako.

Napansin kong malagkit ang mga ngiti nito sa akin pero hindi ko binigyang pansin dahil baka humahanga lamang ang mga ito sa akin.

Laking probinsya ako at ang lola't lolo ko nalang ang nakamulatan ko pareho kasing patay na ang ama't ina ko.

Maraming nagsasabi na maganda daw ako, may katotohanan naman yon dahil pinaglihi ako sa labanos ay makinis at maputi ang balat ko, may kalakihan ang hinaharap ko, matangos ang aking ilong, natural na mapula ang labi ko at makakapal ang pilik-mata ko. May lahi kasi kaming espanyol sabi ng lolo ko kaya naiiba ang angkin kong alindog.

Maraming nanliligaw sa akin sa baryong ito pero wala akong sinasagot dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para maiahon sa hirap ang lolo at lola ko, matatanda na kasi ang mga ito at gusto kong makaranas sila ng magandang buhay.

Lagi kong nakikitang nag iinuman ang mga bisita namin at kakaiba ang mga tingin na pinupukol sa akin. Minsan ay nakita kong bumubuso ang isa sa kanila sa aking pagligo.

Nagsumbong ako kay Lolo pero ginalitan lamang ako nito dahil masyado daw akong nagbibigay ng malisya samantalang mabubuti ang limang iyon sa kanila.

"Savanna halika at ihatid mo sa cottage ang pagkain nila Sir Mike baka gutom na ang mga iyon"

"Lola kayo nalang po natatakot ako baka anong gawin nila sa akin"

"Nakumbata ka! Tumigil ka nga riyan! Tinatamad ka lang eh! Ito ang basket dalian mo"

Wala akong nagawa kundi sumunod, narinig kong nagkakasiyahan ang magbabarkada kaya kumatok ako sa pinto.

Bumungad sa akin si Sir Mike, amoy ko ang alak sa hininga nito kaya kinilabutan ako.

"Hi Savanna yan na ba ang pagkain namin?"

Tanong nito na tiningnan pa ako mula ulo hanggang pa.

Hindi malaswa ang damit ko, paldang mahaba at maluwang na blouse na kinasanayan kong suot.

"O-opo Sir"

Inabot ko dito ang basket pero sa halip na abutin ay maluwag nitong binuksan ang pinto.

"Pwede bang ihain mo nalang sa mesa?"

"Sige po"

Pumasok ako sa loob at kitang-kita ko ang tingin ng mga ito, para akong karne na lalapain ng anim na leon.

May kakaibang pulbos na sinisinghot ang mga ito.

Lalo akong kinabahan ng marinig kong ni-lock ni Mike ang pinto.

Madali kong inayos ang mga pagkain pero bago pa ako matapos ay lumapit si Leo sa likod ko.

Humawak ito sa bewang ko at marahang piniga iyon.

"Iba talaga ang amoy ng probinsya mga tol nakaka-addict!"

Sabay-sabay pang tumawa ang mga ito.

Nanginginig ang buo kong katawan at ramdam komg nanghihina ang tuhod ko sa takot.

"Sir Leo wag po, aalis na po ako"

"Hep-hep! Saan ka pupunta? Ayaw mo bang makijoin sa amin"

"Hindi na po, mauuna na po ako"

Nilampasan ko ito pero hinila nito ang braso ko at marahas akong hinalikan.

Walang ginawa ang iba panay pa ang tawa ng mga ito at parang nasisiyahan sa nakikita.

"Teka Leo! Ako dapat ang mauna!"

Sabat ni Mike.

"S-sir Mike maawa po kayo! Wag po!"

Makaawa ko sa mga ito.

"Wag ka ng pumalag, masisiyahan ka din sa gagawin namin sayo"

"Sir! Wag po! Parang awa nyo na po!"

Halos lumuhod ako sa pagmamakaawa pero parang mga bingi itong walang naririnig.

Para itong mga asong ulol na naglalaway sa isang putahe.

Tumakbo ako at pinilit na binuksan ang pinto, ubod lakas kong hinila ito na ilang minuto pa ay nabukan ko ,madali akong tumakbo sa kubong tinutuluyan namin pero nakita kong nakahandusay at lolo't lola ko naparehong wala ng buhay.

Narinig kong papalapit na ang limang lalaki sa kubo kaya tumago ako sa lamesa.

"Savanna! Baby nasan ka? Wala ka ng pupuntahan kaya lumabas kana!"

Lalo akong nagsumiksik sa ilalim ng mesa, akala ko ay hindi ako makikita ng mga ito ngunit....

"Bulaga! Hahaha akala mo makakatakas ka ah!"

"Wag! Maawa ka Rick!"

"Matagal na kaming nanggigigil sayo Savanna pagbigyan mo na kami"

"Mga hayop kayo! Anong ginawa nyo sa lola't lolo ko?!"

"Nagpapahinga lang sila hayaan mo mamaya lang ay magkikita na kayo hahaha!"

Tawang sigaw ni Jack na akala ko ay mabait dahil laging may hawak na libro.

Hinawakan ako ng mga ito at idiniin sa papag ng kubo. Pilit akong nagpupumiglas pero wala akong laban sa lakas ng mga ito.

Winasak ni Mike ang mga damit ko at walang itinira.

Pinagtutulungan akong babuyin ng mga ito.

Isa-isa at paulit-ulit.

Akala ko ay tapos na ang paghihirap ko pero hindi pala.

Kumuha si Mike bote at binasag, pinagsusugatan nito ang binti ko.

Si Leo naman ay pinaso ng sigarilyo ang dibdib ko.

Habang iyak ako ng iyak sa galit at sakit ay pinasok ni Rick sa bibig ko ang ari nito.

Parang mga demonyo itong nagkakasiyahan.

Walang kasing sakit ang sumunod dahil may pinasok silang matigas na bagay sa nagdurugo ko nang ari.

"Mga demonyo kayo! Sinusumpa ko magbabayad kayo! Babalikan ko kayo!"

Isang matigas na bagay ang hinampas ng mga ito sa ulo ko.

Kahit nanlalabo ang mga mata ay nakita kong binuhat ako ng mga ito at tinapon sa isang bangin.

Nagpagulong-gulong ang katawan ko.

"Kung sino man ang nakakarinig sa akin! Si satanas man o sino pa! Handa kong ibigay ang kaluluwa ko! Buhayin mo lang ako at hayaang gumanti!"

Ito ang huling salita ko bago ako binawian ng buhay.

Nagising ako sa banging pinagtapunan sa akin ng mga hayop na iyon.

Nagtataka ako dahil wala na ang sugat sa katawan ko at pakiramdam ko ay may kakaibang pwersa bumabalot sa katauhan ko.

Madali akong pumunta sa may batis dahil uhaw na uhaw ako.

Uminum ako ng maraming tubig at hinilamusan ang mukha ko.

Nagulat ako sa repleksyon ko sa tubig.

Hindi na ito ang dati kong mukha, likas na mas maganda at sexy ang bago kong katauhan.

Hindi ko na alintana kung si satanas man ang tumupad ng hiling ko.

Ang gusto ko lang sa ngayon ay makapaghiganti at mabiguan ng hustisya ang pagkamatay ng lolo't lola ko gayundin ang kamatayan ng dating Savanna na inosente at walang bahid ng kababuyan.

Pagkatapos umunum ng tubig ay lumusong ako sa batis nais kong magsaya sa bagong buhay at sa aking nalalapit na paghihiganti.

Hindi ko namalayan na may dalawang lalaking nagmamatyag sa bawat galaw ko at naglalaway na pagmasdan ang aking angking ganda.

"Wow Miss pwede bang sumabay sa iyo?"

Nagulat man ay napangiti ako, hindi na ako natatakot sa kung sino man at gusto kong subukan kung anong kapangyarihan ang mayroon ako ngayon.

Sumenyas ako na lumusong ang mga ito sa tubig na madali namang sinunod ng dalawa.

Lumapit ang mga ito sa akin at sabay akong dinaluhong ng halik.

Pinabayaan ko lang dahil gusto kong mag enjoy ang mga ito sa huling sandali nito sa mundo.

"Sandali lamang masyado kayong atat eh"

Umahon ako sa tubig at pumunta sa batuhan.

Hinubad ko ang saplot ko at kita kong ngumisi ang dalawa, na biglang nawala dahil sa nakita.

Unti-unting nagbago ang itsura ko mula sa mala dyosa ay naging isang mabangis na hayop na animo'y alien.

Naging berde ang aking balat, naging ahas ang dati ay maganda kong buhok at may matulis ding buntot ang tumubo sa akin.

"Ano? Bakit kayo natulala? Hindi na ba ako maganda? Ha?!"

Tatakbo sana ang mga ito ngunit parang may sariling buhay ang buntot ko at tinuhog ang dalawang lalaki.

"Mabuti lang yan para sa nga hayok sa laman na kagaya ninyo.

Masaya akong nagbihis.

Bilog ang buwan at ngayon ko balak na maghiganti.

Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko at gumayak na din ako.

Nagbihis akong parang isang bakasyonista at naghahanap ng matutuluyan.

Madali akong pumunta sa resort na nagpapa-alala sa akin ng pait na sinapit ko sa kmay ng limang demonyong yon.

Nakita kong si Mike ang nasa information desk.

"Hi!"

Malanding bati ko dito, medyo hapit at sexy ang dress na suot ko kaya alam kong maaakit ito.

"Hi beautiful! Naghahanap ka ng room no?"

"Oo sana eh galing akong Manila at may nakapagsabi na maganda daw ang resort na ito"

"Tamang tama walang ibang bisita dito at tiyak na mag eenjoy ka"

"Sige dalhin mo na ako sa room ko"

Nakasalubong namin ang apat pa nitong barkada.

Game akong nakipagkamay sa mga ito kahit na ang gusto ko ay patayin sila.

Alam kong may masamang plano na naman ang mga ito halata ko sa mga ngiti at tinginan nito.

Pagpasok ko sa kwarto ay iniyak ko ang galit at hinagpis na nararamdaman ko sa wakas ay makapaghiganti na ako.

Nag ayos na ako ng sarili, manipis na white dress ang sinuot ko.

Gusto kong mabalot ito ng dugo ng mga hayop na yon.

Kinatok ako ni Mike sa kwarto, nagkakasiyahan ang mga ito sa tabing dagat at inanyayahan ako.

Sumunod ako at nakita kong pinagpiyestahan na naman ng mga ito ang katawan kong aninag sa manipis kong suot.

Umiinum ang mga ito at muli ay may puting pulbos na sinisinghot.

Umupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga hayop na nagsasaya.

Akala siguro ng mga ito ay naka jackpot ulit sa biktima.

Lumalalim na ang gabi at lalong bumibilog ang buwan.

Sinimulan ko na ang plano ko.

"Gusto nyo ba ng pampainit?"

"Wow syempre!"

"Nice!"

"Wow game pala ito eh magiging masaya ito"

Tumayo ako at sumenyas ng music.

Sinabayan ko ng indak ang mahinang tugtugin bawat giling ko ay napapakagat labi ang mga hayok na ito.

Maya maya pa ay hindi na nakapagpigil ang isa, si Mike ito na pinakapinuno.

"Gaya ng dati ako ang mauuna!"

Lumapit ito sa akinat hinalikan ako sa leeg.

"Hahhaha Mike wag dito doon tayo, boys isa isa lang ha?"

"Yon! Sige sumigaw ka lang pag next na!"

Excited na sagot ni Jack.

Dinala ko sa madilim na parte si Mike.

Pinahiga ko ito.

"Yan ang gusto ko palaban"

"Talaga?"

Sagot ko na unti-unti nang nagpapalit ng anyo.

"Oo, teka bakit antagal mo? Halika na at baka sumunod na yong iba. Gusto kitang masolo"

Lumapit ako dito at ngumiti.

"Nandito na ako"

Nahintakutan ito at nanlaki ang mata.

"Sino ka? Anong klaseng halimaw ka?! Aaaaaaaaahh!"

Tinusok ng buntot ko ang tiyan nito at nilagyan ito ng busal sa bibig.

"Shhhhh! Wag kang maingay"

Panay pa din ang sigaw nito kahit may busal sa bibig, tinusok ko din ang mga kamay at paa nito.

Tiningnan ko ang matutulis kong kuko at gaya ng ginawa nito sa akin, paulit-ulit ko itong kinarmot hanggang sa maubusan ito ng dugo.

Samantala ang apat ay hindi na nakatiis.

Sumunod na ang mga ito sa kinarorounan nila Mike.

Gulat na gulat ang mga ito sa nakita.

Si Mike ay nangingisay at wala ng buhay.

Gustuhin man nilang tumakas ay huli na ang lahat.

Kinabukasan ay nabalita ang limang lalaking nasawi sa isang resort.

Wakwak ang mga katawan, may kung anong bagay ang tinarak sa mga pwetan at pinutol ang mga ari.

Walang sinuman ang makatukoy kung sino at ano ang pumatay sa mga ito.

Sa isang banda ay namuhay si Savanna sa bagong katauhan, simula noon ay pumapatay siya ng mga lalaking umaabuso sa mga kababaihan.

4
$ 0.05
$ 0.05 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

Comments

Madami matatakot pag mabasa to..

$ 0.00
3 years ago

Well, I got scared while reading, otherwise bravo ya this article.

$ 0.00
3 years ago