Simpleng lomi recipe:
500g. Lomi noodles(sariwang miki ang ginamit ko.)
250g. Laman ng baboy(hiniwang maninipis at palapad)
150g. Atay ng baboy(hiniwang maninipis at palapad)
1pc. Carrot (hiwaing pahaba)
1pc. Red bell(hiwaing pahaba)
250g. Pechay bagiuo chopped
1pc. White onion,chopped
2pc. egg (binate)
2tbp. Patis
2tsp. Asin
1tbp. Sugar
For sutae:
5 cloves bawang, dinurog
1pc. Sibuyas pula, hiniwang pang gisa
2 tangkay ng leeks, chopped
1 tangkay ng celery, chopped
1pc. Bullion chicken cube (or chicken stock)
2tbp. Oyster sauce
3 cups tubig
2 tbp. Corn starch (tinunaw sa kaunting tubig)
Cooking oil pang gisa
Heres how:
Mag init ng tubig sa kawali at hintaying kumulo bago ihulog ang noodles. Salain at itapon ang tubig para maalis ang amoy ng sariwang miki at hayaan sa tabi.
I-marinate ang laman at atay ng baboy na magkahiwalay sa kaunting patis, paminta at 1tsp kalamasi juice ng kalahating oras. I-prito ng bahagya at papulahin sa kaunting mantika.
Sa pinag prituhan ng karne, igisa ang bawang, sibuyas, leeks, celery at bullion cube. Isunod ang piniritong karne.
Idagdag ang red bell at carrots.
Ibuhos ang tubig at mga pampalasa, pakuluin.
Pag malambot na ang karne, ilagay petchay bagiuo
Ibuhos ang binateng itlog ng dahan-dahan habang hinahalo ang sabaw, isunod ang cornstarch. Haluin hanggang lumapot ang sabaw.
Sunod na ihalo ang pinakuluang noodles at puting sibuyas. Haluin at hanguin agad para hindi malata ang noodles.
Note: maaring mag dagdag ng hipon kung nais nyo.-enjoy!
paborito ko na meryenda yan