Walang silbing pag lalakbay

2 25
Avatar for Cocogrey
3 years ago

Petsa : octobre 10, 2021
Manunulat : Cocogrey

Walang silbing pag lalakbay kung maituturing ko ang byaheng ito.

________________________

Ang araw nato ay nakakapagud para sakin, nais kolang mag bahagi ng mga karanasan ko sa araw naito.

Dahil sa sobrang pagud halos wala nakong panahon pa, na mag sulat. Gusto kolang ay mag pahinga nais ko na ding matulog ng maaga ngunit di pwede dahil dapat ko munang suyuin ang mahal kung nag tatampo. Oo nag tatampo ang aking pinakamamahal sa kadahilanang di ako nakauwi ng maaga ngunit pano niya ako maiintindihan kung di niya naman ako pakikinggan.

Kaya e dadaan konalang sa artikulo ang pag babahagi ng aking kwento sa araw na ito.

Sponsors of Cocogrey
empty
empty
empty

________________________

Kahapon ng gabe ay inaya ako ng mga kaibigan ko na maligo ng dagat sa midyu malayulayung lugar ngunit, ako ay nag dalawang isip na sumama at sinabing bukas nako mag de disisyun at ayon kinabukasan ay napagala ako sa bahay ng aking tropa at doon ay pinilit ako na sumama dahil minsanan nalang ako nila na makasama.

Agad naman ako nag paalam ng mabuti sa aking nobya, at pina intindi sakanya lahat. Agad naman niya akong pinayagan na bukal sa kanyang kalooban at alam kong di siya galit dahil naiintindihan niya.

Mga ilang oras ay nag handa na kami, nag luto muna kami para may makain sa lugar kung saan kami makakapag bonding mag babarakada. At yun nga ay halos midyu marami rami din ang aming baon habang nag hahanda ay nag ke kwentuhan muna sa kalagitnaan ng pag luluto. Tawanan, halakhakan kanchawan asaran napara bang mga batang aliw sa tambayan (haha)

Alas 11:30 ng umaga ngayung araw ng linggo kami ay umalis na, mabagal lang ang aming takbo sapagkat kami ay may mga dala. Nasa 50klm/hr ang aming takbo sakay ang single motorsiklo. Sakalagitnaan ng takbo namin papunta sa distinasyun namin, ay huminto ang isa at bumaba ika niya ay di nalang siya tutuloy dahil may lakad pa pala siya nadismaya kami sa kanyang agarang disisyun ngunit, nag patuloy kami at dahan dahan padin ang takbo sa paruruonan namin.

Bandang alas 12:20 kami nakarating sa aming distinasyun ngunit kami ay dismayado sapagkat ampanget pala sa lugar nayun di kami comfortable sa paligid sa pagkat andaming lasing haha

( di na kami nag take ng pictures sa lugar na yun )

At yun nga'y nag desisyun kami na umalis sa lugar naiyon at nag hanap ng ibang lugar na pwede naming pag bondingan, bandang alas 12:40 kami umalis sa lugar na una naming pinuntahan at imbis na dagat ay napunta kami sa resort bandang kabundokan sa lugar na tinatawag na "Bansalan" ang resort nayang ay minsan ng nag viral dahil sa pangyayaring di malilimutan, mindan na kaseng may na aksedenting natabunan ng puno na natumba sa kalagitnaan ng may naliligo.

Bandang alas 2pm ay nakarating kami sa pangalawang destinasyun. At doon kami ay namahinga at nag bonding na para bang napilitan lang, subalit sa halip na kami ay madismaya nag enjoy nalang kami sa pag ligo sa malamig na pool at bago kami naligo kumain muna kami at nag ihaw ng limang perasong isda. :)

Kala niyu masaya kami haha
Ang lamig na ng tubig

________________________

At yan ang nais kung ipaliwanag sa taong galit at nag tatampo sakin sa mga oras na ito

Na sana ay maintindihan niya ang pangyayari sa buhay ko sa linggong to di konaman intensyun na suwayin ang kagustohan niya ngunit mapag laro ang panahon.

Mensahe ko

Para sa mga kababaehan , sana po ay makinig muna bago paratangan ng kung ano ano ang nobyo ,di naman lahat ng lalaki ay mag kaugali kaya kung alam mong may mabuti kang partner pagkatiwalaan mo at intindihin mo kahit minsan lang. :)

Ang sulat kung ito ay totoong nangyayari sa mga araw na ito. Wala kase akong maisip na maisulat kaya ang karanasan ko nalang ang binahagi ko. Salamat po sa pag babasa at sa oras na ginugol niyu sa artikulo ko :)

2
$ 1.17
$ 1.12 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Eunoia
Sponsors of Cocogrey
empty
empty
empty
Avatar for Cocogrey
3 years ago

Comments

Hahaha naku laking problema tan pare whahaha. Paano na sumuyo? Hindi ko alam yan! Hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ang hirap nga pre eh hays parang kataposan ko na to pag ka ganito hahahaha

$ 0.00
3 years ago