Covid19 Corona Virus

0 16
Avatar for ClumsyNinja
3 years ago

Ito na ata ang salitang pinakasikat ngayong 2020 dahil ito laging laman ng mga balita sa Diyaryo, radyo, TV, social media at Internet. Hay, aminin man natin o hindi isa tayo sa naapektuhan ng pandemya na ito. Hindi ko na babanggitin yung mga naging masasamang epekto nito sa atin dahil napaka-obvious naman na alam na natin yun lahat. Kaya ang tanong ay;

Ano ba ang magandang naidulot ng Pandemya na ito? Oo, mayroong magandang naidulot ito sa atin. Ang unang magandang naidulot nito ay sa kalikasan. Mas naging malinis ang hangin natin sa ngayon. Ito ay dahil halos lahat ng tao ay nasa loob ng bahay at walang masyadong gumagamit ng mga sasakyan kaya naman tila ba ay mas masarap langhapin ang hangin natin sa ngayon. Isa pa, mas naging malinaw at malinis ang mga beach ngayon na para bang nakapag-pahinga din sila at syempre tayo ay nanabik na sana ay makaligo na tayo sa mga beach kapag natapos na ang pandemiya na ito.

Bukod sa mas naging maganda ang kalagayan na ating kalikasan ay mas naging malikhain at masipag ang mga tao dahil sa pandemiya na ito. Ang nanay at kapatid kong babae ay nagtatanim ng mga gulay sa aming mga bakuran. Yung isa kong pinsan bumili ng gitara upang matuto mag-gitara. Yung ilang kaibigan ko ay ipino-post nila sa social media yung kanilang bagong tuklas na masasarap na pag-kain at iba pa.

Dahil sa pandemiya na ito mas natuto tayong mamuhay ng simple, kaya naman pala natin mabuhay kahit walang star-bucks, jolibee at iba pa na pwedeng nakasanayan na natin gawin dati.

Napakarami pang magandang naidulot ang pandemiya na ito sa atin kung iisipin nating mabuti, kailangan lang natin na tingnan ang mga bagay-bagay sa positibong paraan. Kumbaga, tuloy ang buhay at kailangan nating mabuhay ng makabuluhan kahit may pandemiya. Ikaw? Ano ba ang magandang naidulot sayo ng COVID19 CORONA VIRUS?

2
$ 0.00

Comments