Mensahe ko sa kapwa ko Kabataan

0 492
Avatar for Claire0714
3 years ago

Mensahe ko sa kapwa ko kabataan

Magandang araw sa inyo mga kapwa ko kabataan nais ko lang ipaalala sa inyo ang ating nakaraan.. ang nakaraan na dahan dahan na nating kinalimutan.. nakalimutan niyo na ba ang sakripisyo ginawa ng ating mga bayani kanilang ibinuwis ang sarili nilang buhay para sa ating kinabukasan.. nang hindi na natin maramdaman ang lupit ng kastilang nagpahirap sa ating kasaysayan... Nang hindi na natin maranasan ang kanilang nararamdamang sakit... Hindi ba dapat nating alalahanin ang kanilang kabayanihan? Pilit lumaban para sa bayan... Bakit ngayon tila tayo'y nagiging bulag, na ang pagmamahal sa ating wika'y tila ating ng nakakalimutan... Mas iniibig natin ang wikang banyaga tulad ng kpop at iba pa... Hindi nyo ba naisip ang ating sinasayang? Buhay ang naging tulay sa ating kalayaan... Ngunit ang buhay na kanilang ibinuwis ay ating sinayang... Nawa'y kayo'y nagising sa aking munting minsahe..

1
$ 0.00

Comments