ZIPLINE:Biyaheng Langit
I-share ko lang karanasan ko sa ZIPLINE. Bear with me taglish ito Kase naubusan na ako ng Ingles.
IKAW ANONG KWENTONG ZIPLINE MAYROON KA?.
"Oh! Ticket mo byaheng langit"that's the word of ate Nikki na laging nag stuck sa mind ko. I nEver thought na bibilhan niya ako ng ticket para mag Zipline "What may ticket Ako? No way! Ayaw kong mag Zipline ate alam niyo naman na may fear of heights ako." Sabi ko na may pagrerebelde sa kanya. "Surprise! Madapaker, biya-biyahe ka na ng langit enjoy, kidding aside, if you will not try now. When? 'yong matanda ka na at di mo na ma enjoy ang view? come on face your fear , Promise you'll enjoy it" Sagot ni ate na pagkahab ng lintanya. "Ang haba naman ng lintanya mo ate" I said while chuckle. They all laugh when they saw me chuckle. I know they're tripping me this time. As far as I remember sobrang kabado ko sa oras na ito nanginginig kamay ko while nakahawak sa ticket. It's a mix emotion between excitement and fear because heights is not my thing.
Mukha ng kabado pero need mag smile
Alam nilang lahat na takot ako sa matataas na bagay ito pa kaya? Kaya siguro bumili sila ng ticket para malabanan ko ito. I think so . Gusto kong mag-enjoy while waiting sa turn ko pero mas nanaig ang kaba. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko feeling ko sasabog Ako any minute. Tahimik lamang ako habang pinagmasdan ang mga bata na sobrang aliw sa pagzi-zipline.
" See look at them, they're enjoying it. Remind lang kita mas bata pa mga iyang kesa sa'yo. Alam namin na takot ka sa heights kaya gusto ko harapin mo ito. Breath in, breathe out. Enjoy the moment and while nasa taas ka na sumigaw ka ng malakas, ilabas mo lahat ng sama mo ng loob para mawala lang iyang takot mo. Don't let your fear ruin your enjoyment this time. Come on you can do it. Smile and don't stress out ." mahabang paliwanag ni ate Nikki na di ko namalayan na kanina pa pala nakatayo sa tabi ko at pinagmasdan Ako.
Isang simpleng "OPO" at tango lang isinagot ko sa kanya. "Kaya natin to self huwag kang kabahan" I whisper
Inalalayan pa talaga nila ako nung turn ko na. They all smile and signaled fighting.
"smile don't close your eyes, shout and scream all you want, enjoy the view. All out yang byaheng langit mo" sigaw ni ate Ana na natatawa.
I guess this is it I'll cease the moment and enjoy it. Noong nakibitin na ako I automatically close my eyes pero sabi kuya"open your eyes ma'am di mo maenjoy ang moment na ito" . Sumigaw ako pagka go na talaga . Sigaw na may kaba pero this time mas nanaig ang saya. I scream to let go the fear and to enjoy the little moment. Minuto lang akong nakibitin pero piling ko sobrang tagal ko na Doon. Tama sila byaheng langit nga dahil sa mga Oras na ito pakiramdam ko nasa alapaap Ako. Tanaw ko ang buong Dahilayan Adventure park.
"Whoah! Ang saya " sigaw ko and it is surreal.
"Oh! Kumusta ang biyaheng Langit mo? Nag enjoy ka ba ?" Pabirong tanong ni kuya Jess(asawa ni ate Nikki). "Sobrang saya po , thank you" Sagot ko na may lapad na ngiti sa aking mga labi.
And I saw them smiling at me na para bang proud sila sa akin.
Tama nga si ate dapat harapin ko Ang fear na meron ako ngayon. Sa ZIPLINE na moment na ito naharap ko na Ang phobia ko. And thanks to them I feel that I won from a battle. A battle between fear of heights and happiness. I win this time and I hope it'll continue.
Huwag kang matakot na harapin ang mga bagay na kinatatakutan mo.
IKAW ANONG KWENTONG ZIPLINE MAYROON KA?.
Lead image: https://vismin.ph/2020/dahilayan-adventure-park/
Thank you everyone for reading and the support
Never pa akong nakakapagzipline sis, pero if may pagkakataon gusto ko din i-try