Types of Kids Attitude
As years or days comes we discovered that our kids are very helpful,shy, generous, courteous, naughty and sometimes also very strict when it comes to their things.
Our kids attitude matters on what we are showing to them. They act what we act, they talked bad word when we talk bad words at home. It is very important that we will let our kids hear us saying bad word instead we will teach them on how to be good
Charrrr nairaos ko ang English kaya back to Tagalog na tayo. In this article entitled "Types of kids Attitude" is base sa mga observation ko sa mga bata na aking nakakasalamuha sa loob ng playhouse, aking mga naging alaga at minsan sa aking mga relatives na rin.Minsan may mga batang;
MAHIYAIN
Marami-rami na rin akong nakikita o nakakasalamuha na mga bata na sobrang MAHIYAIN. Tipong tahimik lamang sa tabi at kung may lalapit sa kanya ay aalis kaagad na para bang may phobia sa kapwa kabataan
Sila rin yung mga bata na super ingat sa mga bagay. Never silang kakausap sa'yo o sasagot sayo kapag TATANUNGIN mo sila kung ano ang pangalan nila literal na " Don't talk to strangers"(which is good thing para sa akin iwas sa disgrasya sa mga masasamang nilalang)gustuhin man nila ngunit mas nanaig sa kanila ang pagiging mahiyain kaya minabuti na lamang nila na mapag-isa.
FRIENLY/ PALAKAIBIGAN
Ito naman ang klase ng bata na halos kaibigan ng lahat sapagkat laging nakangiti at makipag-usap sa'yo. Di sila snob bagkus sila pa iyong unang magtatanong kung ano pangalan mo.
Sila rin yung mga batang ayaw sa gulo, tipong good vibes lang ang dala. Mahilig silang makipaglaro sa'yo kilala ka man nila o Hindi.
Kapag ganito ang anak mo goodluck in the future for sure Isang dosenang kaibigan ang dadalhin niyan sa bahay niyo pagdating ng araw.
Goodluck mommies
HELPFUL/MATULUNGIN
Sila naman ang batang di makatingin sa Isang gawain gusto nila laging tumulong.
Mga soft-hearted lalo kapag may nakikitang nangangailan nang tulong always to the rescue sila.
Ugali nila ang mag-alok ng tulong sa'yo. Hindi mawala ang pagiging sharing nila sa kapwa bata kahit di mo utusan sila na mismo ang magshare ng foods nila.
They're the one called "pusong mamon" . Lagi mong maririnig sa kanila ang" You want this?" " Okay it's yours" "Are you okay?" "Are you hurt?" " I feel pity for them daddy?""Daddy or mommy can you gave them food please I think they're very hungry now"
Nice Job Mommy
The NAUGHTY/PALABIRO
Kung may tatalo pa sa kalokohan wala nang titibag pa sa mga batang apakamapang-asar sa kapwa bata.
Gawain nila ang asarin ka sa aking palagay Hindi kompleto ang araw nila kung hindi makapang-asar sa kapwa.
Napakalikot rin nila laging naghahanap nang mapagtripan . Kaya kung Ikaw ay iyakin na Bata . Nakuu! Kailangan mong dumistansya sa kanila.
THE IYAKIN
Sila rin minsan ang tinatawag ng "Human Papaya" dahil apakabilis nilang umiyak artistahin ang peg.
Hindi mo sila mabiro sapagkat apakahina ng puso nila kaya mabilis tumulo ang kanilang mga luha. Kung minsan naman ay umiiyak lang sila sa tabi kahit na walang umaway sa kanila .
May mga time rin na iiyak sila habang Ikaw ay tumawa dahil feeling nila sila pinagtatawanan mo, minsan rin iiyak sila kapag napataas ang boses mo dahil inakala rin nila pinapagalitan mo sila.
"Ikaw na MAG-ADJUST MOMMY"
The HONEST/MATAPAT
Kung may mga tinatago kang sekreto tiyak mabubulgar kapag sila ang kaharap mo. Hindi nila kaya ang magtago ng sekrito sa kanilang magulang.
Kaya kung nagkamali sila tiyak aaminin nila. Minsan sa pagiging honest nila para na silang "SIPSIP" dahil dakila na rin silang tagasumbong . Lying never exist to them.
The Palaaway/Palamura
Ito mahirap tong klase ng bata sapagkat di sila magkakamaling awayin ka kahit di mo sila inaano.
May kasalanan ka man o wala Basta trip ka nilang awayin ay nako tatarayan ka talaga nila . May mga time pa na mananapak Yan sila ng di mo namalayan
Minsan may mga bata talagang mahilig nang magmura kahit nasa murang edad pa lamang sila. Di natin sila masisisi dahil na rin siguro ito sa mga naririnig nila sa kani-kanilang mga tahanan.
Oh! Akala mo may Next pa, wala na ho scroll ka na
As a parents/guardian we must train our children to be respectful, honest and kind. Huwag sana natin hayaaang marinig nila ang mga masisilang pananalita dahil sa paglaki nila manantili na ito sa kanilang isipan. Kaya minsan nagtaka Tayo bakit ganito ang ugali nang ating mga anak . Kung ano ang pinapakita mo sa kanila tiyak iyan rin ang susundin nila. Kaya habang may Oras pa . Please choose to be a good example to your daughter or son. Teach them to be a good example to others too. Teach them also on how to be brave at the same time ,soft-hearted to every people who needs help. Mold their heart with goodness and teach them what is good and bad and let them learn the word of God in order for them to be good citizen in the future.
Author's Note
Ito po ay aking observation lamang maaring ito'y Hindi angkop para sa Inyo. Salamat na rin po sa pagbasa. I big heart u po. Thank you so much for the support and it's been a while since I posted my latest article . And I hope you will like it guys
Ako nung bata ako sobrang mahiyain talaga. Yung tipong kahit nasasaktan na ako, hindi ako iimik. Ngayon adult na ako, di na ako masyadong mahiyaain. In fact, I am super outspoken lalo na sa mga nakikita kong mali. I always say it in the nicest way.