Scammed; lead to depression

2 10
Avatar for Claire.24
2 years ago

Naranasan mo na bang maloko o ma scam? Masakit ba o Hindi?

Scam salitang napakasakit pakinggan at kinatatakutan ng karamihan. Napakaraming mga scammer na nakapaligid sa atin maaaring kaibigan, matalik na kaibigan o di kaya kamag-anak mo. Kaya dapat tayong mag-iingat sa mga taong nakapaligid sa atin dahil minsan sila mismo ang tatalo sa iyo.

Sinulat ko ito hindi dahil para mapahiya ang pinsan ko kung di para mag let go na sa nangyari at maipalabas ko na Ang hinanakit sa puso ko. Ninais ko mang kalimutan ito ngunit hindi maaari sapagkat ako ang nagbabayad ng kanyang ginawa at naawa rin ako taong tinalo niya. Ate Annie ang biktima at damay na Rin ako dahil nga pinsan ko ang nang scam sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na sarili kong pinsan nagawa akong lokohin at sumira sa tiwala ni Ate Annie sa akin.

Pebrero taong 2021 tumawag pinsan ko sa akin via vedio call at ininvite ako para sa "ONLINE BUSINESS" di ko nalang sasabihin ang pangalan ngunit sa tingin ko TRENDY ata yun (charooot). Kung ONLINE BUSINESS na pag-uusapan medyo naging close-minded ako gawa sa mga narinig ko na SCAM Ang mga iyan. Sa panahon na iyon naging open-minded dahil siguro pinsan ko nag invite sa akin and beside maganda rin Ang ways of income. Ayon pa sa kanya;

1 account =1,500 php with product na worth 1500 Rin. The more account mas marami kang product na makukuha . And then may tinatawag pa sila daily income na 100 peso per account kahit wala kang work matanggap mo iyon sa loob ng 15 days . At para sa shipping fee sa product kami na mismo magbayad noon.

I decided na sumali sa business na iyon nagbabakasakali namakadagdag kita ito. Nagsimula na akong mag Invite syempre dahil may mga kasama ako rito sila ang una kong ininvite. Pinsan ko na mismo Ang nag explain sa kanila.

Si Angel kumuha Ng 3 account na nagkakahalaga ng 5400 php dala na ito sa shipping fee sa product na mismong company Ang padalhan mo samantalang so aye Annie kumuha ng 12 accounts na nagkakahalaga rin Ng 20500 php dala na Rin Yan sa shipping fee sabay pa silang nagpadala ng Pera. Sabi pa nila may assurance raw sila dahil Kasama nila ako kung ano man ang mangyari. Tatlong araw ang lumipas wala pa ring balita tungkol sa kanilang account kahit ni Isa wala pang naencode. Isa, dalawa,tatlo linggo maging isang buwan na lamang ang lumipas wala paring balita. Doon na Ako magsimula na magpanic at araw-araw ko nang kinulat ang pinsan ko hanggang umabot sa point na blinock niya ako sa lahat ng SocMed Account niya. Tanggapin ko na kaya na naloko niya ako?

Tatlong buwan na ang lumipas tanggap ko na wala na talaga na naloko ako pero di rin maalis sa isip ko na baka pati Siya na scam rin ng upline niya kaya siguro namblock siya akin. Gusto ko nang kasagutan sa mga araw na iyon ngunit di ko makuha dahil nga nakablock Ako sa kanya pati sa GROUP CHAT ng team. Galit na sila sa akin nawala yung tiwala nila sa akin and dumating sa point na pati pamilya niya nadamay sa pinaggagawa niya .Am I the one who's victim? Ako na ba ang magbayad nito? Palaging tanong ko saking isipan.

Naka Note Yan .

Tuluyan na ngang ako ang magbayad sa panloloko niya sa kanila. Hindi madali ang aking napagdaanan sa mga Oras na iyon. Dumating sa point araw-araw akong umiiyak sa kwarto ko at hindi ko ito pinapakita sa Kay ate Annie at Angel dahil ayaw kong malaman nila. Nakangiti ako sa tuwing kasama ko sila ngunit kapag Wala na sila kusa na lamang tutulo ang luha saking mga mata.

June 15, 2021

Araw na nabalitaan ko na sinumpong ulit si mama kailangan ng pera ngunit wala akong maibigay kasi nabayad ko na kay Ate Annie kaya nagcash advance na naman Ako sa king amo. Super depressed na ako kaya siguro di ko alam kong anong pumasok sa isip ko noon Basta ang alam ko lang iyak ako ng iyak di ko na rin namalayan na kumuha ako ng Isang baso ng pesticide at muntik ko na raw mainom Buti nalang nandyan si Angel nag-observe lang pala Siya sa akin. Tanging ayaw pa ng Diyos na mawala Ako. Sabi niya pa sa akin na nagpumilit raw ako na Inumin ang pesticide kaya raw may sugat Ako sa likod kasi tinulak niya raw Ako sa pader dahilan para mahimatay Ako. Nagising Ako na walang alam tinanong ko sila ko g anong nangyari.

Ate Annie once told me;

Alam kong wala ka pang Pera naintindihan ko di mo kailangan na TAPUSIN buhay mo mama mo may sakit sa tingin mo ba makakatulong yan sa kanya iyang ginawa mo. Magdasal ka lang matapos rin yang problema mo.

Halos di ko maisip na ang tanging pinsan ko pa mismo ang gagawa nito sa akin. Ang pinakamatalik kong pinsan pa mismo tinuring ko na Siyang kapatid but then he betrayed me . Ito mga araw na parang baliw na ako na kachat sa kanya pati upline niya. Di ko akalain na sa ngayon malapit ko pala mabayaran si Ate Annie.

Sa ngayon napatawad ko na pinsan ko pero di ko lang talaga mawala sa isipan ko. Sinulat ko ito para maging Isang daan na tuluyan ko nang kalimutan kong ano man Ang nagawa niya sa akin dahil at the end of the day pamilya pa rin kami. Siya lang Ang tanging pinsan ko nakakaintindi sa akin kaya kahit ano pang kasalanan niya he is still my cousin. Sana lang si na maulit itong muli. For now di niya pa ako kinausap siguro takot Siya heheh.

Authors Notes;

Piliin mo ang magpatawad sa kapwa kahit ano pa man Yan tao lamang sila na nagkamali.

Thanks for reading my articles.   
Gracias and Te Amo my dear readers

1
$ 0.50
$ 0.50 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago

Comments

So scam pala yun sis yung company nila ?

$ 0.00
2 years ago

Base sa nalalaman ko nag sira na raw ito. Dami nilang nascam e

$ 0.00
2 years ago