Salamat at Paalam 2021

4 23
Avatar for Claire.24
2 years ago

Taong 2021 ay magtapos na tatlong araw na lamang at papasok tayong muli sa bagong taon, bagong pagsubok, kasiyahqn, kalungkutan at higit sa lahat bagong Buhay pero bago matapos ang taon na ito gusto kong magpasalamat at paalam.

PASASALAMAT SA TAONG 2021

Sisimulan ko sa salitang Salamat 2021 dahil sa taong ito nakilala ko ang @noise.cash at @Read.Cash na syang nagbigay buhay sa akin sa taong ito. Ang tumulong para matustusan bang pangangailan ng pamilya at Ang tumulong na Rin sa kapwa na nangangailangan. Sa totoo lang BCH ay siyang nagpaganda sa akin sa taong ito. Ang BCH na laging naabangan Ang pagtaas at pagbaba ng presyo mula sa Market. Na kahit papano may kabuluhan rin ang aking cellphone na hindi lang puro laro.

  • Salamat sa mga bonding kasama aking mga kasamahan sa trabaho. Sa mga lugar na ating napuntahan at mga adventure.

  • Sa mga Blessings na binigay mo sakin pati na rin sa aking buong pamilya.

  • Sa pagbigay sa akin ng magandang KALUSUGAN

  • Sa pagtupad ng aking pangarap na sa Beach ipagdiwang ang aking kaarawan.

  • Salamat Rin sa Diyos ama na syang laging nakagabay sa akin sa Taong ito.

Salamat sa mga ala-alang kailan man di ko makalimutan. Sa mga taong laging nakasuporta sa akin lalong-lalo na sa mga taong nakilala ko. Kahit man pandemya ay di ako nahirapan na magbigay suporta sa aking pamilya. Walang sukatan Ang binigay mong biyaya sa TAONG ito kaya sa SALAMAT sa lahat ng masasayang ala-ala na aking naranasan.

Kasabay nang PASASALAMAT ay sya ring PAMAMAALAM sa taon ito.

Paalam taong 2021 sa mga pagsubok na iyong binigay sa amin Bagyo, Pagbaha, Landslide, Covid-19, atbpa.

Ako'y mamaalam na may ngiti at may lungkot sa labi dahil hinding-hindi ko makalimutan ang taong ito na kung saan ko naranasan ang SAKIT na COVID. Sabi nang iba Hindi totoo Ang covid ngunit kung naranasan mo ito tiyak Ang lagi mong nanaisin ay ang maging NEGATIBO na Ang iyong test result sa susunod na swab test. At sa susunod na taon nails kong ipagmalaki na ako'y covid survivor kahit na ako'y sobrang nahirapan sa paghinga noon pero nakayanan.

Paalam na rin sa aking mga masasamang gawain gaya na lamang nang pagkain sa hating gabi, pag-inom ng labis na kape, pagkain ng mga maalat na pagkain .Paalam! Sapagkat iiwan ko na Ang habit na ito . Paalam sa masasayang Ala-ala na iyong binigay sa akin .

Taong 2021 napakarami mong binigay na biyaya sa akin ngunit kailangan ko ng mamaalam sa'yo at tutungo na muli sa susunod na taon. Ikaw ay tunay na life-saver of the year sa akin.

Paalam at Maraming Salamat sa mga biyaya at pagsama sa akin hanggang ngayon.

Author's Note,

Salamat din mga kapwa ko tagapagsulat at tagapagbasa sa walang sawang pagsuporta sa akin sa simula hanggang sa Ngayon. Utang ko sa iyo lahat kung anong Meron man Ako ngayon. This is me Claire Larayan a.k.a Claire.24 maraming salamat po muli sa pagsuporta.

Sa aking mga sponsor salamat Rin sa inyo sapagkat lagi kayong nakasuporta sa akin na walang hininging kapalit .

Lead image ;

https://www.facebook.com/45950374069/posts/10159469455264070/

Salamat sa pagbasa HANGGANG SA MULI

2
$ 2.33
$ 2.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Adrielle1214
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago

Comments

Salamat din sis sa friendship at sa pagsama din sa journey ko ngaung taon na ito

$ 0.00
2 years ago

Sama-sama tayong babangon sis. Salamat Rin sa mga advice mo sakin sis

$ 0.00
2 years ago

Happy new year sis

$ 0.00
2 years ago

Happy new year din sis

$ 0.00
2 years ago