Naalala mo pa ba ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan? Ilan kaya ang natatandaan mo sa ating mga bayani ? Bukas araw na ng mga bayani magpasalamat tayo sa kanila.
Buwan ng Agosto ay lagi nating iginugunita ang ARAW NG MGA BAYANI bilang pagkilala sa kanilang katapangan para sa ating bansa at nagbigaypugay sa ating bansa.Kung paano sila nakikipagdigma mula sa mga dayuhang sumakop sa atin noon gamit ang Sandata at Lakas. Ngunit natatandaan mo pa ba ang kanilang nga pangalan. Marahil kakaunti na lamang ang nakakaalam lalo na sa mga kabataan ngayon.
Nakikila mo pa ba si Lapu-Lapu na matapang na nakikipaglaban laban kay Magellan kasama ang mga dayuhan mula sa Espanya. Si Melchora Aquino o kilala "Tandang Sora", Gabriela at Diego Silang, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Teresa Magbanua, Emilio Aguinaldo, Emilio Jacinto, Juan Luna, Antonio Luna, Marcelo H del Pilar, GOMBURZA, Miguel Malvar, Gregorio del Pilar, Sultan Kudarat. Pio Valenzuela, Francisco Balagtas, Josefa Llanes Escoda. Ilan lamang iyan sa mga matatapang na nakikipaglaban sa dayuhan na di nag-atubiling magbuwis ng buhay para sa ating bayan. Hinangad nila ang kapayapaan para sa ating bayan. Mamatay man sila sa pakikipagdigma laban sa mga dayuhang sumakop sa ating ang mahalaga ay makamit natin ang kapayapaan.
Ngunit alam ko na alam mo na hindi lamang sapat ang pakikipagdigma para tawagin kang bayani. Gaya na lamang ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal di man sya nakikipagdigma gamit ang Sandata. Sumulat naman sya ng mga aklat ukol sa mga pangyayari sa ating bayan. Isa sa mga kilalalng libro ng kanyang sinulat ay "Noli me Tangere" at "El Filibusterismo" na hanggang sa ngayon ay binigyang pansin pa rin natin. Sabi nga niya "Pen is mightier than sword". Kaya mas nakilala sya at pinatay ngga dayuhan sa Bagumbayan.
****************
Mga presidente na namatay at naglingkod sa ating bayan. Isa na rin silang bayani . Mga taong walang hinangad kundi ang mapalago ang ating bansa. Hindi madali ang gawain nila ngunit mas pinili nilang paglingkuran ang mga mamamayang Pilipino.
Maging ang ating mga atletang Pilipino ay matatawag rin nating mga bayani sapagkat iniwagayway nila ang ating bandila bilang pag representa sa ating bansa. Taos-pusong lumaban para manalo at ipagmalaki ang ating bansa. Mapuno man sila ng sakit sa katawan, pasa at minsan ay nakakatamo ng di inaasahang injury ay lagi nilang isinapuso na lumaban at di sumuko para sa ating bayan.
Ang ating mga guro na nagbigay sakripisyo para sa atin. Malaki ang kanilang ambag para sa ating bayan. Isinisakripisyo nila ang kanilang sarili para sa kanilang tungkulin na pangangalagaan ang mga mag-aral na ito ay maturuan ng mabuti. Kung minsan ay wala na silang oras para sa kanilang sariling pamilya. Tatahakin ang lahat ano mang pagsubok upang maturuan ang bawat kabataan. Isa sila sa dahilan kung bakit ikaw ay nasa katayuan mo ngayon sa buhay. Isang huwarang bayani ang ating mga guro.
Ang ating mga Nars, Doktor at iba pang mga manggagawa sa ospital matatawag rin natin silang mga bayani sapagat binigay nila ang kanilang sarili para gamutin ang mga may sakit na Pilipino. Lalo sa panahon ngayon . They are willing to take risk para lamang pagsilbihan ang ating bayan.
Mga sundalong nakikipaglaban para sa bayan. Binuhis ang buhay para ang katahimikan at kapayapaan ay mapanatili at mailigtas sa mga mamamayan na nasa panganib.
Naalala mo pa si Private First Class Dhan Ryan Bayot na namatay mula sa pakikipagdigma laban sa mga Naute-ISIS sa Marawi. A 24 years old soldier who risk his life . Ang huling sinabi niya mula sa radyo ay"JUST BOMB MY LOCATION SIR" huling sambit niya bago mamatay . Inalay niya ang kanyang sarili para mamatay kasama ang mga kalaban isa sya sa magiting na bayani sa atin na kailanman ay di malilimutan ang kanyang pagsilbi sa bayan.
Kaya mabuhay ang ating mga bayani na handang pagsilbihan ang ating bayan maging buhayan ang kapalit. Nawa'y ang bawat isa sa atin ay di makakalimutan ang kanilang serbisyo sa ating lipunan. Huwag mo sanang kalimutan kaibigan na Bukas ay Araw ng mga Bayani. Pasalamatan mo nawa ang ating mga bayani na dahil sa kanila ay nakamit natin ang kalayaan mula sa mga taong nakikipagdigma sa panahon ng espanyol,amerikano, hapon at sa kasalukuyan.
A/N: maging ikaw ay isang bayani para sa iyong pamilya
A/N: photo from lead image us from
https://www.facebook.com/656729927676590/photos/a.911197602229820/1336806246335618/?type=3
Salamat ating mga tagapagbasa.