Kakapit pa ako sa sinabi mong tayo hanggang dulo o susuko na ako? Apat na at maglilimang taon na tayo pero tila anlaking nagbago sayo. Ako ba ang nagkulang o sadyang may bago ng nagpapasaya sayo? Alam kong mahirap na malayo tayo pero sapat ba na dahilan ang magbago tayo sa isa't isa? Bakit piling ko anlayo na ng loob mo sakin? Kakapit pa ba ako sa mga matamis mong salita noon ? O susuko na lamang ako ?
Isip ko'y naguguluhan, puso ko'y nahihirapan. Sigaw ng puso ko'y lalaban para sa ating pagmamahalan. Sigaw naman ng isip ko isusuko ko na lamang. Anong silbi ng ating relasyon kong ikaw ay walang oras sakin? Minsan ba'y nasagi sa utak mo ang magkaroon ng oras sakin? Tinanong kita kung ako pa ba? Ang sagot mo'y" kahit kailan di ko inisip ang palitan ka, ikaw lang sapat na mahal ko" . pero bakit parang di tulad ng dati Bakit pakiramdam ko di na ako?Paano kung lahat ng 'yon ay biglang nabago? Paano kung ang salitang "Ikaw Lang"ay mapalitan ng "Hindi na Ikaw"?
Mahal! Mahal! Mahal ! Oo na mahal kita. Ako'y nalilito kung sino ang mas matimbang itong puso ko na ang sinisigaw ay Ikaw o itong isip ko na ang sinisigaw ay isuko ko ikaw. Nakakabaliw ba talaga ang magmahal o sadyang negatibo lang ang isip ko.
Kinukumbinsi ko ang isip ko na baka busy ka lang sa klase mo. Iisipin ko na lang baka pagod ka sa klase mo kaya wala kang oras. Kahit anong pagkukumbinsi ko pero baliktad ang sigaw nito .
Tama pa bang ilaban ko ito?
Sabi ko for the sake of our relationship ilalaban ko. Ansakit lang kasi na makita kang masaya kasama ang bagong mong mga kaibigan. Minsan sinabi mo pagod ka na sa relasyon natin. Pagod rin naman ako pero inintindi kita. Lumalaban ako para sa atin. Sabi ko pa sa'yo diba" kapag di na ako sabihan mo lang ako handa akong palayain ka". Tanda ko pa ang sinabi mong" Pagod lang ako patawad, babawi ako". Tatlong buwan na ang lumipas wala ka nang paramdam ito ata ang pagbawi mo. Isip at puso ko'y naglalaban dahil pareho silang iba ang sinisigaw.
Chinat kita at sinabihan na "Ayoko na pagod na rin ako, sapat na ang apat na taon para sa atin" sa mga puntong iyon na bigla ng sabihin mong " Patawad kasi hindi ko na kayang tuparin ang pangako ko, patawad kong nabigo ako sa mga pangako ko para satin. Ginawa ko naman lahat di ba? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo na , Hindi na kita mahal, Napagod na Ako . Tanggapin ko kung di mo ako patawarin ngayon dahil sa nagawa ko" tama nga ang isip ko na susukuan na kita sana sinunod ko nalang tong isip ko kaysa puso ko.
Aaminin ko sobra akong nasaktan sa nagawa mo pero masaya ako na pinili mo ang pagmamahal mo sa parent mo. Nawa'y maging mabuti kang anak at kapatid. Tama nga ang isip na ang salitang "IKAW LANG " ay mapapalitan ng "PATAWAD HINDI NA IKAW" Ansakit sobra pero anong magagawa ko pamilya mo magiging kalaban ko at alam mong. wala akong laban dyan. Mahalin mo rin sana sila gaya ng ginawa ko sayo. At ibagay mo sana ang oras para sa kanila.
Apat na buwan na rin simula ng aminin mo sakin na "HINDI NA AKO". Chinat kita ulit at sinabing" Alam kong wala na akong karapatan na makikipagchat sayo pero gusto ko lang sabihin na PINAPATAWAD NA KITA AT PAPALAYAIN NA RIN KITA, mahalin mo ang pamilya mo at huwag mo silang pabayaan huh, maging mabutin kang anak para sa kanila. Salamat rin kasi mas pinili mo ang parents kesa sa'kin at Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa'kin, totoong naging masaya ako." .
Sapat na sa akin ang makita kang masaya kaya mahal PINAPATAWAD NA KITA AT PINAPALAYA NA KITA.
A/N : maraming salamat po sa laht ng sumuporta sa akin nawa'y bigyan pa kayo ng maraming biyaya ng Panginoon.