My Life Before as an Student Athlete (Di madali)
"Nakapasa lang naman yan kasi isang atleta". "Hay nako puro nalang bola at laro ang inatupag laman ng bag halos sapatos lang at jersey". "Wala naman silang makukuha dyan sa pag aatleta nila kundi sakit Ng katawan at pasa". Saan kaya nila nilagay ang utak nila bakit di nalang kaya sila magpukos sa eskwela nila kaysa mag atleta?". "Ayan nagkainjury dahil sa sport buti nalang tinulungan ng school"
Isa iyan sa mga bulung-bulungan sa aming paaralan noon. Ang bawat mga atleta raw nakakapasa lang kasi mga athlete. Di nila alam doble iyong effort namin kailangan namin ma maintain yung grades namin para mapanatili kami sa team. Totoo naman na halos sapatos or jersey ang laman ng aming mga bag at locker pero we did everything na makafucos sa school namin. Binabalance namin ang oras namin for studies and practice.
Mahirap maging isang student athlete sa totoo lang . You need to fucos on your studies so that you can maintain your grades. If you can't maintain it then you can't play . Failing grade means failing to play. Umaga hanggang hapon na sa school kami and sa Hapon naman hanggang 8 Pm ay sa praktis naman kami. Sabi nila wala akong makuha sa pagiging atleta ko well darling you're wrong dahil sa pagiging atleta ko naging scholar ako ng school namin mas naging magaan nalang sa family ko na pag-aralin kaming magkakapatid sa hayskul.
Yes! Di kami nakafucos sa academics instead nakafucos kami sa sports but it doesn't mean na pinabayaan lang namin ang studies namin. Sports makes me feel happy dito mapapalabas minsan ang aking kalungkutan . Nawawala ang pagod ko kapag nakapaglaro ako ng FUTSAL. Football is my first favorite since I was in 4th grade lagi akong sumasali noon sa try-out but lagi akong na fail dahil nga di pa ako masyadong magaling. Until nung naghayskul ako nagkaroon ng try-out for FUTSAL so I try baka sakaling magkaswerte. Mas maganda rin kasi ang game na ito kasi indoor sya. And nakuha nga ako, kami ang first na nabuong ng team sa school namin ng FUTSAL.
Everyday lagi kaming nagstudy sa ways kung paano laruin ang Futsal . Almost 6 months kami nagtraining noon bago magsimula ang Provincial meet sa aming lugar and through God's help kami ang nagkampeon and ang unang naipadala sa Regional para maglaro dala ang pangalan ng aming Province. Playing in regional was not easy ang mga kalaban namin ay mga nadala na sa Palaro and Milo . Since new team kami from 8 delegates medyo pressure kami kung paano ang aming game plan . Me as a Goal Keeper ay mas na pressure ako kung paano ko masave ang bola na igogoal ng mga kalaban and yun nga di kami nagwagi nasa pang 5 kami na pwesto pero di na masama para sa mga first timer na tulad namin parang experience pa lang namin iyon.
On the next year kami ulit ang nag over all champion sa buong probinsya namin and yes kami ulit ang dinala sa Regional. And to the second time was the most memorable for us kasi natalo namin ang isa sa pinakamalakas na team and we move to the finals but we fail to get the gold for our region. Silver medalist kami and nakakuha kami ng incentives from our Governor na di naman kalakihan atleast may maibigay ako sa parents ko. And tatlo sa kateam mate ko ang naqualified for PALARONG PAMBANSA syempre proud kami sa kanila. Syempre nag celebrate kaming lahat ng team namin kasi nga nagsecond kami at para na rin sa tatlo naming ka teammates na naqualified for PALARO. .
Sa pangatlong pagkakataon na maglaro ulit kami for provincial meet and nanalo ulit kami. And sad to say na may mga teammates kami na di kinuha ni coach kasi kailangan rin namin kumuha from other school na magagaling para mas malakas ang team namin. Pagdating ng training namin we need to adjust kasi may mga new members ang team namin and di pa namin sila kabisado ng maiigi. Na experience namin ang di pagkakaintindihan kasi yung team captain namin di sinusunod ng mga players from other school. Walang team work pati sa training wala kaming team work. Grabe super nag-aadjust kami para sa mga new player na kinuha ni coach nakakawala na ng gana pag walang team work. We had only 2 and a half month of training and we are still adjusting each other. Until nagkaintindihan na kami andyan na ang teamwork pero di gaya sa amin. Dumating na nga ang Regional and our first game natalo agad kami and nasundan pa kasi nawala ang game play namin. And nakabawi kami sa huling 5 games namin and pasok kami sa semis but natalo kami and di kami nakamove para sa final and di rin namin naipanalo ang ang battle for bronze super down kami that time. And that was the last time ko maglaro kasi na injured ako sa game namin sa battle for Bronze yung left shoulder ko nasipa ang bumagsak ako sa floor which lead to injury basta di ko na alam anong nagyari that time basta ang naalala ko di na ako nakatayo noon kasi super sakit ng shoulder ko. Na defense ko man ang bola pero ako naman ang nayari. Syempre napalitan na ako ng second goalkeeper namin and sabi ng teammates ko iba raw kasi walang connection sila sa isa't isa. Almost 6 months akong nagpahinga sa paglaro pero umaattend pa rin ako sa training nila para iguide ang new Goalkeeper namin and ituro ang mga technique (ay parang magaling talaga ako hahah). Ang masakit lang Last playing year ko na sana yun e kasi pagka next year di na ako makalaro kasi over age na ako pero no choice ako kasi need pa magpagaling. Amd I'm still proud para sa team ko kasi nagchampion sila and Bronze medalist sila sa regional and si Team Captain nakuha sya for Palaro ulit
Graduate na ako sa senior high and tinulungan ako ng coach ko na makapasok sa lyceum of the south sa school namin para magkascholar. Syempre proud pa rin si coach sakin kasi nakuha ako sa Lyceum grabe super Blessed ako that time pero ito rin yung time na di ko na maintain ang grades ko kasi super stressed ako need ko mag part time job para makakain ako and makabili ng project dahil di ko na maintain grades ko kaya nawala rin ang scholarship ko and ito na yung time na kailangan ko nang huminto since di na kaya ng parents ko na pag-aralin ako sa college.
And para sa mga tao na nag judge sa mga Student Athlete diyan di po madali sa amin ang dinanas lalo na pinagsabay namin ang schools and training. May respeto kami para sa mga studyante na nakapukos sa Academics kaya please respect those Students Athletes na nirisk ang kanilang sarili para sa ikakarangal ng school nila. Di lang bola o sapatos o jersey kami nakapukos kundi kailangan din namin ifucos ang academics namin. We did everything to make our schools proud. Di nila ito ginawa kasi gusto nila pero yung iba sinikap na maging isang student athlete para magkaroon ng scholarship sa school.
And I'm proud na naging isang Student Athlete ako until now lagi pa rin akong kinokontak ni coach para magtrain sa mga new athletes sa school namin pero wala na ako sa school namin kaya di na ako umaattend pa ng training nila.
To all students athletes out there patuloy nyo lang maraming naging successful sa pagiging atleta kaya huwag niyong pansinin ang mga negatibong tao na nakapaligod sa inyo.
Gusto ko rin magpapasalamat sa aking mga butihing mga sponsor . Salamat po sa support ninyong lahat.
5th article publish by Claire.24 on August 27, 2021
Photo from lead image is from Unplash
Thanks for reading.
Same here . I'm also a student athlete at Hindi talaga biro Ang pagsabayin Ang pagaaral at paglalaro. Time management is key lang talaga.