My 12 hours journey part 1

1 27
Avatar for Claire.24
2 years ago

Isang maligayang araw mga mahal kong tagapagbasa at tagapagsulat. Tatlong araw akong di nakapag update dito sa read.cash maging sa noise.cash minsan na lamang Ako makapag update dahil ito sa Hindi stable na signal Dito sa probinsya namin.

Sa artikulo na ito nais kong ibahagi sa inyo ang aking 12 hours journey pauwi rito sa Probinsya namin. Naranasan mo na bang umupo lang sa loob nang 3-12 oras? Kaya mo ba Ang umupo lang buong maghapon?o di kaya buong gabi?

Bandang alas 9:30 ng umaga ay agad na akong inihatid ng aking mga butihing amo sa terminal ng mga bus upang mas mapaaga Ang aking pagsakay gayunman agad din akong nakasakay pagkarating ko sa terminal. Isang 7 stop na bus Ang aking sinakyan dala Ang aking mga pasalubong para sa mga minamahal ko sa Buhay syempre Hindi maalis sa isip mo ang pagkaexcited mo dahil sa wakas pauwi na ako. Pagkasakay ko pa lang sa bus tinanong na ako ng katabi ko kung saan raw Ako parororoon agad ko namang sinagot ng "SA TUNGAWAN PO AKO, IKAW PO?" sabi niya naman na pa "Zamboanga City pa aki Neng, sure na Umaga na akong darating doon, siguro Ikaw mga 10 PM ka darating sa Tungawan" mahabang tugon niya sa akin. Alam kong masa 12 hours Yung byahe ko pero nababahala pa Rin Ako sa haba ng byaheng ito.

Alas 2 Ng hapon nang makarating kami sa Iligan ramdam ko na ang pangangalay nang aking paa at pwet . Bago kami makarating sa Iligan ay bumaba Muna kami para sa checking nang Vaccination Card nang biglang nahulog yung wallet Buti nalang at napakabait nung Bata na nakasunod sa akin inabot niya sakin Nung pasakay na ako ng bus sabay sabing" Ate Yung wallet mo nahulog ito oh" sabay ngiti. Binigyan ko Rin sya ng konting gantimpala bilang pasasalamat sa ginawa niyang kabutihan.

2:30 PM na kami umalis sa Iligan kaya napagpasyahan ko munang mag snack doon dahil ramdam ko na Ang gutom di Kasi Ako kumain ng breakfast Bago ako umalis..

Hanggang Dito nalang Muna ipagpatuloy ko na lamang sa susunod na artikulo ko sa Ngayon puputulin ko Muna sapagkat aabot ata sa loob ng Isang Oras kung isasalin ko Dito lahat.

Sponsors of Claire.24
empty
empty

Sa aking mga butihing mga sponsor salamat po sa patuloy na pag suporta sa akin di ko man kayo maisa isa pero taos puso pi akong nagpapasapalamat sa inyo.

Salamat Rin sa mga readers ko na 
laging sumuporta sa akin. 

At kung gustong mong magbasa sa susunod na part nito mag-iwan ka lang Muna Ng komento upang malaman ko Ang iyong opinyon ukol sa artikulo na ito. Maraming salamat

Lead Image:Unplash

2
$ 0.08
$ 0.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Adrielle1214
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago

Comments

Pareho pala tayo ng oras ng biyahe sis kapag pauwi kami bicol 10-12 hours na nakaupo sa bus

$ 0.00
2 years ago