Luna

0 21
Avatar for Claire.24
9 months ago

Luna, Luna, oh kay Ganda mong

pagmasdan. Ang iyong liwanag sa madilim na gabi ay siyang nagbigay buhay sa isang tulad ko napapaligiran ng kadiliman.

Ikaw, minsan mo na bang nakausap Ang buwan sa gabi?

Tahimik na ang gabi tila tulog na ang lahat at ako nama'y di dinalaw ng antok.Kung kaya't naparito sa veranda dala ang isang silya at umupo sa may sulok. Dala-dala na rin ang isang tasa ng kape, perfect para sa aking pagmumuni. Ewan ko ba ? Sobra akong nasiyahan sa tuwing ako lang mag-isa . Kasabay ng aking pag-iisa sa sulok na ito ay siya naman pagliwanag nang aking Luna. O kay gandang pagmasdan ng kanyang liwanag. Sa kanya nawawala ang lahat ng aking pagod.

Sa oras na ako'y malungkot o di kaya'y naiistress sa work tanging Ikaw lang Ang aking kinakausap. Pakiramdam ko may tama na ata ako sa utak habang kinakausap na kahit alam Kong di mo rin naman ako masasagot.Malayo ka man at Hanggang tanaw lang aking kayang gawin pero alam mo bang sa tuwing sumisikat ka sa gabi ay Siya namang pagliwanag muli nang aking buhay.

Pagod na napapawi sa tuwing ika'y masisilayan. Tanging sa'yo ko nakuha na kaya ko palang mag-isa at maging kakaiba sa paningin ng tao . Gaya mo na kahit napapalibutan ng mga tala per nakuha mo pa ring lumiwag na kahit ika'y mag-isa lamang.

Luna, paano mo na kayang mag-isa pero nakakapagbigay ka pa rin ng liwanag sa madilim na mundo. Sana gaya mo Ako na kahit napakarami nang problema hangad ko na magawa ko pa ring magbigay liwanag at kasiyahan sa ibang tao.

Ikaw minsan mo na ba nakausap Ang buwan/Luna sa gabi?

Author's Note

Hi readers and writers out there here I am again back on track since how many months of being away. I've been struggling this past few months and I think God for always being with me. Hope you guys had a wonderful night and day forward.

Hope you would still support me..

1
$ 0.00
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
9 months ago

Comments