"Ikaw Ang dahilan kaya nagkaganito anak ko"."Hindi naman ganito yung anak ko dati e masipag yan mag-aral pero nung makilala ka niya nagbago ang lahat halos gabi na kong umuwi parang awa muna lubayan mo ang anak ko". "Ikaw Bad Influence ka sa anak kaya layuan mo sya(parang kakainin nya na Ako) naintindihan mo?"
Ilan lamang sa mga masasakit na narinig ko mula sa parents ng mga naging barkada ko sa hayskul nang pinatawag kami sa school desciplinary at principal office kasama mga parents namin. Pinatawag kami kasi nuhuli sila ng isang barangay sa isang karaoke bar(video k) na nag-iinuman kasama pa ang kanilang mga syota . Bakit nga ba ako nadamay at napatawag rin Ng aming desciplinary and principal? Well it goes.
Way back 2015 nasa grade 10 ako and naging kaklase ko sila itago na lamang natin sa mga pangalang Bea, Lea, Thea and Andrea. Hindi ko sila masyadong close noong nasa grade 7-9 pa lamang Ako kasi nga mga middle class sila e o sabihin nating may kaya sa buhay. Syanga pala ipakilala ko muna sila si Bea ay anak ng may-ari sa isang construction supply sa Amin and sila Rin Ang may pinakamalaking tindahan na parang mini-mall.Mabait na medyo masungit itong si Bea crush Ng campus din di Rin Kasi maitatangi na may kagandahan Rin sya. Si Lea naman ay anak Ng isang nurse and sundalo in fairness sya Ang headturner ng grupo super ganda niya raw kasi sabi nila and sya rin ang SSG president sa school namin na pasaway. Thea is a daughter of our Late vice-mayor politician talaga Ang family nya at sya rin ang President Ng Filipino Club namin while Andrea is a daughter of ofw seaman Ang dad niya and nurse Naman sa labas Ang mom niya and I don't know kung bakit nasa public schools sila . Okay medyo naging mataas yata iyong pagpakilala ko sa kanila okay balik tayo. Paano kami naging close? It happened na naging kagrupo kami sa Filipino para sa proyekto Namin about El Filibusterismo. Mahirap makipagsabayan sa kanila kasi social sila e. Hanggang sa naging close na Ako sa kanila lagi nila akong sinasama sa galaan. Alam mo saan makikipag-inuman sila kasama Ang kanilang mga jowa they thought me that paano uninom at magsigarilyo. Dito ko nalaman na di sila masaya sa life nila. They're seeking for their parents attention. Ilang week lang nagdaan ay natapos na Namin ang aming project kaya Akala ko di na nila Ako papansinin . Lagi pa rin nila Ako sinasama sa galaan minsan inaayawan ko sila kasi ayaw ko sa mga bisyo nila. And the other reason is scholar Ako ng school kasi student athlete kailangan ko mapanatili ang grades ko.
May nangyari pa na tinawagan nila Ako kasi super lasing nila and di na nila kayang magdrive kaya Ang ginawa ko nagbook ako ng isang motel at doon sila pinatulog. Walang alam ang parents nila sa kanila kasi busy rin sila. Hindi nila alam ang pinaggawa Ng kanilang mga anak. Nasundan pa ito. Ako lagi ang gumawa ng project nila sa school para lang makapasa sila. Inom at sigarilyo lang Ang ginagawa nila after Ng klase namin. 3 months akong nawala kasi nagtraining na kami for regional and after noon nalaman ko na hindi na sila masyadong active sa school halos magdadalawang linggo na silang absent . Nag-alala Ako for them baka di sila makapagmoving-up pag nagkataon na di nila maipasa LAHAT Ng requirements and yes ginawa ko ito para makapasa lamang sila . Tinawagan ko silang apat and nagulat ako Kasi sabi ni Andrea sa akin gusto niya na iwanan Ang mga bestfriend niya kasi sobra na raw. Sumali pala sila sa Isang sorority/fraternity kaya masyado na silang mga palaboy.
January 2016 di ko na matandaan anong days. Invite ko sila para sa Isang prayer meeting Ng church Namin. Every Wednesday and Friday ay lagi silang dumalo sa prayer meeting Namin. Nakita ko na Rin na unti-unti silang nagbago. Ito na ata Ang maganda kong nagawa para sa kanila Ang makilala nila ang Diyos Ama. Akala ko tuloy tuloy na silang magbago but I was wrong.February 2016 ito Ang di ko makalimutan na buwan. Tumakas sila sa klase para makipagkita sa kanilang mga syota at ka sorority at alam kong sa inuman Ang punta nila pinilit ko silang pigilan ngunit ayaw nilang making sa akin. Tama Ang hinala ko nakipag-inuman sila mula 2 pm Hanggang 3 pm pauwi na sana sila Ng mahuli sila Isang Barangay Police at dinala sa school namin di mahuli mga Kasama nila kasi nagsipagtakbuhan Ang mga ito. Nang dinala na sila sa office Ng principal dinamay nila Ang pangalan ko, sabi raw nila na Kasama nila Ako ngunit umalis lang raw Ako para hindi mahuli and yes they succeeded. Nabigla na lamang ako ng kumatok Ang aming principal sa classroom namin para papuntahin sa office niya. And to my surprise andun na mga parents namin.
Galit na Galit ang parents nila sa akin."Ikaw Ang dahilan kaya nagkaganito anak ko" sabi Ng mom ni Thea. "Hindi naman ganito Ang anak ko ah pero nung nakilala ka niya naging ganito na sya nagkabisyo na" sabi Naman ng daddy ni Bea "Layuan mo Ang anak ko dahil kung Hindi di ko alam ang magawa ko sa'yo" Galit na Saad Ng daddy ni Lea. "Please lumayo ka sa anak Isa lang Bad Influence" mahinahon na sabi ng mommy ni Andrea. Napayuko at binigyan Ako ng pagkakataon ng magbigay ng aking panig .
"Alam ko po galit kayo sa akin ma'am and sir pero nais ko sanang malaman kung bakit nadamay Ako rito? Nasa klase Ako Ng mangyari ito at higit sa lahat Hindi ko sila kasama kung tutuusin Ako Ang biktima rito e. At gusto niyo bang malaman na kong sino Ang bad Influence?kung Ako ba o sila? Bakit di niyo tanungin mga anak niyo? They need your attention kaya naging ganyan sila . And to be honest sila Ang nagturo sa akin kung paano manigarilyo at uminom .Ang Mali ko lang po ay pinagtakpan ko pa sila. Pinilit kong itama Ang landas Ng mga anak po ninyo sa pamamagitan ng pagsimba at pagdalo Ng prayer meeting pero HULI na pala ako. Wala akong record sa school na ito . Bea Lea bakit nyo ako dinamay Akala ko kaibigan ko kayo ? Pinigilannko kayo dba pero ayaw nyo.Hiling ko lang po Pakibigyan naman Ng atensyon Ang inyong mga anak. Salamat po sa Oras Ng makapaglahad Ako Ng saloobin ko Mr. Principal and ma'am." Sabi ko sabay Ang pagpatak Ng aking mga luha. Piling ko artista ko that time kong makapagsagot Ako. Sa galit rin ni itay ay muntik niya na akong masampal ng malaman niyang umiinom at naninigarilyo ako. And pagkatapos noon naging laman Ako Ng usap-usapan sa school namin. Headlines araw-araw.
Sa mga pangyayari na iyon muntik na akong di makasali sa moving up ceremony namin Buti nalang binigyan lang Ako Ng community service Ng school namin pati na rin sila. Simula Rin noon di na Ako nakipag-usap sa kanila kasi ayaw ko Ang maulit Ang pangyayari. Hanggang Ngayon di ko pa Rin sila nakakausap siguro malapit na silang magtapos. Ako'y Biktima lamang.
Kung kayo Ang tatanungin ko. Ako ba ay Biktima lamang o Hindi?
A/N: Minsan talaga sa buhay kung sino pa ang inaakala nating kaibigan ay sila pa ang dahil ng ating kapahamakan. Tayo na Ang tumulong sa kanila pero sila naman ang magdadaown sa'yo.
Salamat po sa inyo Hanggang sa muli.