Ikaw at Ako hanggang Dulo; Pangakong Napako

0 33
Avatar for Claire.24
1 year ago

Pwede bang magmahal ng di nasasaktan? Napangakuan ka na ba? Ikaw lang ang mahal ko pangako.

Ika-4 ng gabi ng Agosto taong 2022 kung alam ko lang ito na pala ang huling beses na madinig ko ang iyong mga tawa at ngiti sana sinulit ko na lamang. Kapalit pala ng ating mga halakhak ay sya namang hinagpis at kalungkutan. Tinapos mo ang meron Tayo sa gabing ito. Walang away, tampuhan at kung ano pa man. Tanda ko pa ang oras na iyon alas-diyes ng gabi ng bigla mong sinabing" Patawarin mo ako, napagod na ako. Di ako nagloko, walang bago sadyang di lang ako sanay sa set- up natin. Sinubukan ko naman pero nakakapagod na. Mahal na mahal kita . Paalam at Salamat sa lahat" mga salitang di ko inasahan sa kalagitnaan ng ating masasayang kwentuhan.

Napatanong ako sa sarili ko kung saan ako nagkulang nilaan ko naman lahat ng oras ko sa'yo. Inintindi kita kung wala kang oras sakin at gayun ka rin sa akin. Di ko alam kung totoo ba itong nadinig ko o hindi pero sabi mo"Please Claire set me Free please" sino ba naman ako para pigilan ka . Sinubukan kung ipanalo ka ulit ngunit sadyang ayaw mo na at wala na akong magagawa kundi damhin ang sakit at pighati.

Mahal andami nating pangarap sa buhay, mga Lugar kung saan gusto nating pasyalan na tayong dalawa. Nangako tayo na kahit anong mangyari pipiliin natin ang isa't isa pero bakit ka sumuko?Nasaan na ang Ikaw lang ang mahal ko pangako? Ikaw at Ako hanggang Dulo. Palagi kitang pipiliin kahit na anong mangyari. Ikaw ang buhay ko . Lahat ba ng yon ay iyo nang pinako at kinalimutan ?

Mahirap kang kalimutan sapagkat nasanay na Ikaw ang aking takbuhan sa panahong Araw ko ay magulo. Ikaw ay aking lakas sa panahong pinanghihinaan ako ng loob. Sinanay mo ako na lagi kang andyan sa oras na gusto ko ng kausap. Ngayon hindi ko alam saan ako magsisimula ulit. Kakayanin ko ba o hindi pero para sa sarili ko kakayanin ko.

Limang(5) taon at sampung(10) buwan na pagmamahalan ay nauwi rin sa hiwalayan. Ang sabi mo walang nagloko pero bakit sampung(10) Araw pa lamang may bago ka na agad? Lupit mo naman bilis mong maka move on. Pwede bang turuan mo ko kung paano yon.

Sa limang taon na ating pagmamahalan hindi ko iyon pinagsisihanna nakilala kita. Hindi kita tatawaging Ex kasi Ikaw ang mahalin ko wala nang next charuttt. Ang mga masasayang ala-ala na kasama ka ay magiging parte na lamang ng aking nakaraan. Walang oras o araw na di ako nasaktan pero alam mong masaya ka sa magiging pasya ko. Ang palayain kay sobrang hirap ngunit ito'y aking kinaya at hinarap. Mahal kita kaya kung saan ka masaya susuportahan kita. Darating rin ang araw na magiging okay ako at kaya ko nang sabihing finally I moved on.

O Kay lupit ng tadhana tayo'y pinagtagpo sa maling panahon. Sa susunod na buhay kung papayagang muli na magkakilala tayo sana hindi na mauudlot ang pagmamahalan natin.

Huling mensahe para sa kanya.

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng bago mong iniibig. Ang tanging hiling ko lamang na sana'y mahalin mo sya ng buong-buo. Huwag mo sana gawin sa kanya ang ginawa mo sa akin . At sana ang inyong pagmamahalan ay mauwi sa Kasalan Hindi sa hiwalayan. Ipadama mo sa kanya ang totoong pagmamahal. Sana maibigay niya ang bagay na Hindi ko kayang ibigay sa'yo sapagkat ito'y aking pinakakaingatan. Huwag kang mag-alala ang ating mga pangarap gagawin ko yon kahit na ako na lang mag-isa. Ingatan mo sarili mo. Susuportahan pa rin kita sa lahat ng magiging achievement mo sa buhay kahit wala nang Tayo. Hindi ko magawang magalit sa'yo sapagkat naging parte ka rin ng aking masasayang alala.

Love

Claire.

Masakit man ang magpalaya ng taong mahal mo pero mas gugustuhin ko na lamang ang palayain sya kesa malaman mong kaya sya nagstay dahil naawa sya sa'yo . Kakayanin kong masaktan para sa ikakabuti at ikakasaya niya.

Alam kong andyan si God para gabayan sko sa araw-araw

Sa mga broken diyan .

Tara kape?

Salamat po sa walang sawang pagsuporta. Mahal na mahal ko po kayo.

2
$ 0.00
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
1 year ago

Comments