Bardahan nina Basketball, Volleyball, Sepak Takraw at Soccer. Sino kaya mananalo?
Magandang Araw sa lahat bago ko sisimulan ang artikulo na ito nais kong sabihan na ito'y pawang kathang-isip/fictional lamang kaya kong di ka sang-ayon magskip ka nalang . Ang tangi kong hatid ay Good vibes lang.
Isang araw nagkaroon ng usapan Ang magkaibigan na sina Basketball, Volleyball, Sepak Takraw at Soccer na pakiwari ko'y nagpapayabangan ang mga ito kung sino ang mas sikat kina Volleyball Soccer at Basketball na dinamay na rin nila si Sepak Takraw na nanahimik lamang.
Author: Sino kaya Ang pinakasikat sa kanilang apat? Si Basketball o si Volleyball o si Soccer o di kaya ang tahimik na si Sepak Takraw. Halika ating alamin ang kanilang usapin...
Basketball: Alam niyo bang sa sobrang sikat ko na sa buong mundo na kahit limang taong gulang na bata ay alam na kung paano ako laruin Hindi sa pagmamayabang huh ganoon ako nila kamahal. (Pagmamayabang nito sa mga kaibigan)
Volleyball: Hep! Hep! Tila nakalimutan mo atang andito Ako. Hindi rin sa pagmamayabang kilala rin ako ma pa beach o indoor volleyball man at halos kababaihan pa ang nahilig sa akin. Tiyak alam ng mg girls na masaya akong laruin kesa sa'yo Tol.(pagputol nito sa kaibigan na may kayabangan na Rin)
Soccer: Teka ! Teka lang, may nagsalita ba? May amoy kasi ang hangin. Kilala rin ako di niyo lang alam. Eh! Yang si Sepak Takraw diyan sikat kaya Yan(sabay turo Kay Sepak Takraw na nanahimik)
Sepak Takraw: Oh!Oh! Bakit niyo naman ako dinadamay sa kayabangan ninyong tatlo? Basta alam ko sikat ako sa paraan na alam ko.
Nagtawanan silang apat
Author: oh ! Sikat raw siya? bakit ba kasi kayo nagpapayabangan kung sino sikat?
ALL: PAKE MO!
Author:Aba! yabang niyo ah . Di ko kaya tatapusin tong pagsusulat ko. Akala niyo ah ! Oh basketball simulan mo ulit.
Basketball: Alam niyo walang mas hihigit pa sa kasikatan ko. Kilala niyo ba si Michael Jordan, Late Kobe Bryant,Stephen Curry,Lebron James,Klay Thompson,Kevin Durant, Jordan Clarkson at marami pang sikat na NBA at PBA players. Alam niyo bang sikat pa Rin ang mga moves ni Micheal Jordan. Sikat pa rin Ang Jersey ni Kobe Bryant. Sa sobrang daming umiidolo sa kanila tiyak marami ring kabataan Ang naging pursigido na matoto sa aking sports from Asia to all Continents knows how to play basketball. And yeah pa 3 points nga . Kaya kahit sa gilid ng kalsada makikita mo na may naglalaro ng basketball because I'm famous of all fame. Wait pa slum dunk nga Muna hahahah.
Volleyball: Aha ! Yon lang ba mga sikat na basketibolista e mayroon din ako. Gusto mo bang ma facial sa spike Nina Misty May-Treanor,Kerri Walsh Jennings,Regla Torres,Shiela Castro at Kim Yeon-kwong. Oh di kaya matamaan sa Backrow Attack ni Alyssa Valdez na pride ng Pinas o di kaya mapanganga sa attack at spike ni Karen Kiraly . Syempre di papahuli ang Pinas gusto mo bang makatikim ng palo at spike ni Bagunas baka tulog kayo sa loob ng Isang taon. Gusto niyo yon?(sabay irap pa)
Soccer: uy! Uy! Baka gusto niyo malipad sa lakas Ng sipa Nina Lionel Messi,. Cristiano Ronaldo, Neymar baka doon kayo pupulutin sa Europa. Sa galing nilang magtricks tiyak mahihilo ka talaga sa TINGIN pa lang.. Teka! Teka parang tayong tatlo lang ang maingay an. Bigyan ng Oras Sepak Takraw mag-ingay. (Pangungulit sa kaibigan)
Sepak Takraw: Basta alam ko love ako ng mga Pinoy goods na Ako doon. Dami niyong alam pero baka di niyo alam na ako ang dating larong pambansa ng Pilipinas Bago ang Arnis. Wala akong pake sa whole world na yan Basta I love Philippines.(nag-irap pa sa kanila)
Author: ooh insert muna ako ah. Ginagalit niyo kasi si Sepak Takraw e nanahimik lang yan kanina. Sige nga sabihin niyo sakin kung bakit kayo Ang dapat na gawing sport ng kabataan? At para malaman niyo na Rin kung sino ang panalo. Oh simulan mo Volleyball.
Volleyball: Bakit Ako? Sige na nga! Bata kung ako sa'yo ako ang dapat laruin mo huwag yang tatlo dahil sa akin mas mahahasa mo ang galing mo pag-iisip kung pano mo patayin Ang bawat spike mo. At mas maging maloksi ka Rin kapag Ako Ang iyong piniling sports. At mas balanse ka sa akin. Mas mabuburn ang iyong mga calories at mawawala Rin ang iyong stress.
Basketball: yon lang Bata kung ako sa'yo . Dito ka sakin mas maging malakas at maliksi ka Rin. Tuturuan kita kung paano mag dunk,assist tapos mga tricks kung paano malito ang iyong kalaban. Na kahit sisikuhin ka man matatag ka at Hindi ka matutumba . Huwag ka diyan Kay volleyball puro Palo lang yan.
Volleyball: Talaga ba ? Baka swag palang ng mga player ko Gagalit ka na .
Basketball: mas Lalo ng akin swag sabay dunk. Oh ano tapos may paturo pa pag naka 3 points. TAs staredown kapag nakashot kahit super TaaS ng point guard.
Soccer: sa akiii....
Volleyball: Ako muna. Talaga ay dunk lang pala. Baka gusto mo Makita yung mga players ko na parang mga ibon at tigre na lilipad para pumalo. Tapos iistaredown ko mula ulo hanggang paa tapos may pa sway pa. Baka sa swag pa lang ni Desiree Cheng at sa Kambal na Kim(South Korea) taob kana.
Soccer: Ako muna. Huwag niyong subukan na putulin ang sasabihin ko manahimik ka basketball. Alam niyo kids ako nalang kaya PILIIN niyo every summer may palaro ako tapos tuturuan ko Rin kayo ng tricks na yung bola pupunta sa ulo at chest na Hindi mahuhulog. Di ba gusto niyo yon kids. Tapos Dito sa akin kapag nakascore happy ang lahat.
Volleyball & Basketball: kapag binalian ang Isa rambulan naman ang hahantungan ahahaha.
Sepak Takraw : Kids simple lang sa Akin kung mga 5 years old pa kayo enroll kayo sa Basketball, Volleyball, at Soccer na Yan Basta paglaki niyo sa akin pa Rin kayo punta . Tuturuan ko kayo paano lumipad na parang si Jet Li .
B/V/Soccer: ganooon??? Hahahahaha
All: Oh ! Author na mahilig uminsert sino sa TINGIN MO panalo?
Author: Wala ni Isa sa Inyo ang sikat. Alam niyo sinong sikat. Ako kasi Ako ang nagsulat kaya chill lang kayo diyan .
All: Yun lang.
Basketball : nadaya Tayo don mga Tol
Oo nga"sabay turan ng tatlo
Lahat ng sports ay mahalag a para sa atin. Kung ano man ang sports na nakahiligan mo mahalin mo iyon. At maglaro ka na may dangal.
Authors Note:
Thank you po sa inyong lahat. Naway Hindi kayo magsasawang suportahan Ako.