Baliktanaw sa Nakaraan
Sa panahon ngayon Ang bawat Kabataan ay nakasentro o nakapukos na sa makabagong teknolohiya gaya na lamang ng selpon, laptop atbpa. Kabataan sa ngayon ay nakikipag-away sa mas nakakatanda sa kanila dahil sabi pa nila "Hindi porket matanda ka Ikaw Ang Tama pakinggan nyo rin naman ang boses Namin". Pilipino kapwa pilipino parehong naghihilaan pababa. Sa Pilipinas nga nakatira at isinilang pero mas minahal pa ang kultura ng ibang bansa at halos pinagtatabuyan na siya'y Pilipino. Pilipino ka ba talaga o dayuhan? Sagad sa ating kaalaman na marami ng Kabataan ay nalulong sa masamang bisyo at pagbabad sa computer games ni halos di nga makasabot kung tanungin na "Sino Ang Ama ng Wika?" Oh Ikaw alam mo ba?
Makita Rin natin ang mga nasisigandahang mga imprastraktura at mga malalaking gusali gaya na lamang ng mall ngunit may mga Puno pa ba? Mga malilinis na ilog,batis, at dagat. Kung ating pagmasdan ang ating kapaligiran makikita natin ang maruming ilog,batis,dagat at nakatambak na mga basura sa tabi ng kalsada halos di na rin sariwa ang nalalanghap natin na hangin.
Pagod ka na ba sa KASALUKUYAN? halika balikan natin ang Nakaraan.
Base sa mga kwento ng mga nakakatanda na ang bawat kabataang Pinoy noon ay magagalang,may respito, at may takot sa Diyos.
Ansarap siguro tingnan kung ang bawat Isa sa atin ay nakabaro't saya ano? Pero huwag Tayo diyan balikan laman natin ang 20th century.
Taong 2007 nasa ikalawang baitang pa Ako sa panahon na iyan. Tanda ko na halos mga kabataan noon ay nakapukos sa pagtulong ng kanilang mga magulang sa Bukid,Palengke o di kaya sa Paglalako. Marami pang malalaki at matatayog ng mga Puno, kabundukay di pa kalbo . Malalanghap mo pa Ang sariwang hangin. Karagatan ay sagana pa sa lamang-dagat na halos mga mangingisda ay pawang ngiti sa tuwing uuwi ito galing Laot. Mga bilihin na Kay mura . Maliit man ang kita ngunit anditan ang ngiti sa bawat labi. Mga nagsisilakihang mga gulay at prutas na napakapresko. At Isa pa mga magsasaka ay di pa masyadong nagrereklamo sapagkat ang mga lupa noon ay masyado pang mataba at din kailangan ng abono. At sagana rin sa Ani Ang ating mga magsasaka noon di gaya Ngayon Ewan ko Rin kung bakit.
Ang bawat kabataan noon ay masayang naliligo sa malinis na batis ilog at dagat. May tatalo pa ba sa mga larong Pinoy ng mga kabataan noon ?Halos Kabataan Ngayon di alam kung ano Ang larong Pinoy kaawa-awa walang kaalam-alam sa mga larong pinoy. Sa aking pagkakakatanda ang bawat kabataan noon ay tanging nakasentro sa mga Larong Pinoy o Laro ng Lahi lamang ang alam. Makikita mo sa kalsada naglalaro ng Patentiro, sa paaralan naman o di kaya parke makikita mo rin ang mga kabataang babae na masayang naglalaro ng"Luksong Lubid". Kilala mo ang larong Pitiw(Siyato) ito ang aking kinahiligan noon na kapag natalo ka ay kailangan mong kumanta ng"Sensilyo sigarilyo ang sukli bente singko, Siyato " basta yun na . Larong Luksong tinik, luksong baka, sungka , trumpo(top), tumbang preso, taguan, holen,lastiko,bahay-bahayan,tiyakad, piko,saranggola at marami pang iba.O kay daming larong pinoy na kinahiligan sa mga kabataang pinoy noon. Mga mag-aaral noon ay aklat lamang ang tanging binabasa. Mahilig rin ako noon maligo sa tabing-ilog kasama ang mga kaibigan. Kay saya ng panahong iyon . Panahong lahat ng kabataan ay nahubog sa laro na sariling atin.
Bayanihan ay laging andiyan sa tuwing may nangagailan ng tulong. Ang bawat Isa ay andiyan handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya. May mga Bata na nagbibigay ng tubig sa mga nagtatrabahi, may tumulong sa pagluluto at mayroon rin nagkukwentuhan habang nagtratrabaho di gaya ngayon TATANUNGIN ka lang "MAY GCASH KA BA?".
Kung Ikaw naman ay manligaw o may naiibigan nako dumaan ka muna sa butas ng karayom sapagkat mailalabas mo talaga ang galing sa pagkanta . Bago mo maipasagot ang anak dumaan ka muna kina itay at inay para dagdag puntos na Rin. Kung okay na kina itay doon ka naman kabahan sa anak baka Hindi ka rin type. Lahat ng pasikat ay gagawin gaya ng pag-igib Ng tubig, pagbiak Ng kahoy at pagtulong sa bukirin para lamang sagutin nang iyong iniirog pero Ngayon type"I love you" and send ayon kayo na pala sa pamamagitan ng selpon. O Kay sarap balikan nang Nakaraan ano Yung tipong lahat masagana pa at walang mga toxic na mga tao.
At syempre di mawawala Ang Biko,Suman, puto, puto bongbong, atbpa tuwing may pyestahan.
Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan. Nakaraan na puno ng pagmamahalan ang pinapairal hindi pagkakasiraan. Panahong ang lahat ay tanging saya lang ang dala. Ang bawat noon ay desiplinado . Maririnig mo lagi ang salitang"Po" at Opo". Mahirap man ngunit sagana sa pagkakaisa.
Pilipinas hindi pa huli ang lahat kung ang bawat kabataan ay hubugin ang isipan para sa kapakanan ng ating mga minanang lupa mula sa ating mga bayani. Kung nabubuhay pa ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Masaya kaya sila? O mabibigo sila ? Lagi nating isa isip na binuhis nila ang sarili nila para bayan para di mapasakamay ng mga dayuhan nawa'y ito ang inyong tandaan na mahalin ang ating bayan
Ang tanging hangad ko lang na sana di ipagsawalang bahala ang ating mga kultura at mahalin ang sariling atin. Pinoy ka sa isip at gawa. Kaya huwag mo sanang ikahiya ang iyong pinagmulan. Hindi ka dayuhan ng ating bayan. Kaya itoy iyong ipagmalaki.
A/N : na miss mo ba ang nakaraan? Naway magsilbi kang gabay sa susunod na henerasyon at turuan mo sila sa ating kultura
Authors note:
This is a revise article of my previous article from last year
Lead image from
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid036eukkQ6tKmDg7ep3yjRxru67Bv5WRywMXr9qSaxFWYWrepbjrPNu3FYkQYDUdoMyl&id=523671681118807
Masaya nga ung dati tlga