Ang pagsubok ni Itay; 4 years of pain Bago nakilala si Lola Orad (A Spiritual Healer)

2 49
Avatar for Claire.24
3 years ago

May panahon talaga na subukin nang ating Panginoon ang tatag ng ating kalooban kung kaya mo ba o hindi. Minsan mapaisip ka na lamang na gusto mo ng sumuko sa buhay sapagkat di mo na kaya pero noong lumapiylt ka sa Kanya ay nabigyan ka nang liwanag at pag-asa na lumaban . Minsan ka na bang sinubok Niya? Naisipan mo bang sumuko o mas naging matatag ka?

"Hoohhhh" pagbuntong hininga ko ng maalala ko ang araw na ito September 17 kaperehong petsa kung saan sinubok ang Itay at nagkaroon ng malalang karamdaman na halos ikinamatay niya . Ika-17 Ng Setyembre taong 2008 ng magsimula ang sakit ni papa mag mga maliit ng mga butoy (di ko alam kung ano ito sa Tagalog Basta butoy Yan sa bisaya) na parang mga allergy lamang. Noong una di niya ito pinansin Kasi sabi niya mga allergy lang ito sa mga halaman Kasi nagfafarm kasi kami and napakakati talaga ng mga halaman sa bukid. Isang buwan Ang lumipas mas lalo itong lumaki at doon kami nagsimulang nag-alala sa kanya . Lagi niya lasing sinasabi na Ang init Ng katawan niya at di sya makahinga ng maayos lalo na kapag nakahigh tide ang dagat mas lalong lalaki Ang mga butoy niya natatakoy kami baka puputok ito pero mawawala Rin Naman kapag low tide . Sa pag-alala namin sa kanya dinala namin Siya sa malapit na hospital sa Amin. Pinacheck-up namin sya and walang findings Ang doctor sa aming Lugar at pinarefer kami sa Isang doctor na itatago natin sa pangalang Dr. Ray pinasuri namin sya and Wala silang nakitang pinagmulan ng sakit ni papa. Ang masakit pa binigyan sya ng gamot na di angkop sa sakit niya dahilan kung bakit mas naging nahirapan si Papa sa paghinga. Anlako ng bill namin Buti nalang at tinulungan kami mismo Ng Governor namin. Ansakit makita ang iyong ama na nahirapan. Pakiramdam ko noon nawalan kami ng Haligi Ng tahanan kaya nasubukan ko ang akuin ang trabaho niya biglang panganay na anak sa dead na 9 na taong gulang .

Siyam na buwan Ang lumipas June 2009 (di ko na matandaan Ang exact date) ng inakusahan si Itay na may sakit na "Leprosy " sa aming mga kabarangay . Kahit di Naman totoo super sakit na bully kami sa school at sinasabihang"PAMILYANG MAY LEPROSY" Wala kaming magawa noon kung di Ang iiyak. Nalaman ito ng Health worker sa Amin pinuntahan nila kami sa Bahay na nakafull PPE para kunin Ang Itay para dalhin sa "Leprosarium" para doon na patirahin di pumayag ang mama ko pero pwersahan nilang hinatak Ang Itay kahit na nasasaktan siya Kasi sobrang sakit Ng buong katawan niya kapag nahahawakan ito. Umiyak lang ang papa ko habang sinakay sya sasakyan at naiwan kaming humahagolhol sa iyak Wala kasi kaming nagawa dinala na nila Ang Itay kahit Wala pang Confirmation kung Leprosy pa talaga Ang sakit niya. Lumapit kami sa Isang paryente ni papa na Isang konsehal sa aming Lungsod at pinangakuhan kami na tulungan at kaperehong araw ay pumunta agad sila sa Leprosarium at nagcomplain na IPA check-up ulit ang Itay. Nabigyan ulit kami Ng pag-asa na di Leprosy Ang sakit niya. Natapos Ang check-up sa parehong araw at LAHAT Ng result is "NEGATIVE" pero Leprosy parin Ang findings nila malakas lang raw Ang dugo ni Itay kaya di pa napuputol mga daliri niya. Binigyan sya ng gamot para sa Leprosy na Minsan Makita Namin na nahihilo si Itay kapag umiinom Siya nito . Kaya simula sa araw na iyon di na kami naniniwala sa mga doktor dahil pawang di Naman katotohanan ang mga finding nila. Isang taon siyang umiinom ng gamot sa Leprosy pero mas lalong lumala Ang sakit niya di na sya makalakad nakahiga na lamang sya sa higaan.

September 17, 2010 dalawang taon na nang magkasakit si Papa. May pinakilala sa amin na Isang albularyo sa Amin na itatago natin sa pangalang "Mang Jose" Isang albularyo na mula sa karatig bayan na lymipat sa Amin at bali-balita na magaling raw na manggagamot ito. Dinala namin si Papa kinarga sya sa balsa na buhat ng isang kalabaw. Noong una pinaniwala niya talaga kami unang kita niya palang sa papa ko sinabi niya na agad na kinulam Ang Itay at may nakunan niya Ng Isang malaking sinulid na medyo naging magaan Rin Ang pakiramdam ni papa. Paniwalang paniwala kami sa kanya di namin Isa pala itong huwad/manloloko na albularyo kaya tumakas sa Lugar nila at tagumapay siya kasi nakabayad kami ng 25,000 sa kanya na inutang pa namin mula sa pamilya ni papa na pinagtutulangan Ng kanyang mga Kapatid. Nawalan ulit kami ng pag-asa at sumuko na sabi pa niya"sukuan niyo na ako kasi Wala nang makapagpaggaling sa akin baka panahon ko na talaga " pero di Ako nawalan noon ng pag-asa na kahit alam ko na impossible pero sinubukan ko buong Gabi akong nanalangin at humingi Ng kapatawaran na nagawa ko hiniling ko sa Panginoon na sana bigyan niya Ako Ng sign na gumaling pa si Papa para mabuo at maging masaya ulit kami. Sampung taong gulang na Ako sa panahong ito at di ko naranasan ang masarap na buhay bata kasi babad Ako kakatrabaho sa bukid. Kinabukasan matapos akong nanalangin may taong punta sa amin di namin sya kilala at may dala siyang maraming pagkain. Sabi niya may nagsabi raw sa kanya na kailangan namin ng tulong. Bago Siya umalis sabi niya sa akin"Maging maayos ang lahat bata, may tao kang makilala na syang magpapagaling sa papa ko. Huwag kang sumuko ha mahal ka Ng Diyos" ito lang Ang matandaan ko na at agad ko itong sinulat sa first page ng bible ko. Napaisil Ako kong isa na ba itong sign na dining ng Diyos Ang panalangin ko. Nabigyan ulit Ako ng pag-asa at mas tinatagan ko pa Ang sarili ko pati SI mama mas naging matatag na may pag-asa pa na gumaling sya.

Banging Taon Ng 2011 masaya Ang lahat Ng sabihin niya sa amin na "pahinga na raw sya Kasi pagod na sya kakadala Ng sakit niya" lahat kami nagulat sa sinabi niya an d our laughter turn into tears pinilit niya Ang mga mats niya kaya sumigaw si inay Akala Namin nagpahinga na talaga sya Ng tuluyan Yun Pala nagpahinga sya kasi inaantok na sya. Napaiyak kami na natawa sa ginawa niya. January 22, 2011 birthday niya syempre nagcelebrate kami kahit maliit lang para sumaya lang at Makita Namin syang ngumiti. Sa Gabi Ng birthday niya narinig ko syang nagdasal na umiiyak na halos tatlong(3) Oras syang nagdasal. Kinabukasan di kami sanay sa Nakita namin sa kanya na paggising niya nakangiti sya sa amin at sinabi niya may nakausap raw sya kagabi na parang anghel na halos puti raw LAHAT Ang damit at sinabi raw sa kanya na "May makilala syang Isang babae na gagamot sa kanya". Grabe Yung ngiti niya at Makita mo sa kanyang mga mara na mas lumakas at naging matatag sya na lumaban kahit nakahiga lang sya sa kanyang higaan. Isang linggo Ang makalipas may tao ulit dumating sa amin na Namin kilala nagtaka ako at Ng sinabihan niya si Itay na"ok ka lang kuya,alam may kilala akong manggagamot na nagngangalang Orad malapit lang tirahan niya Dito sa inyo" wika niya sa tatay. Doon namin na realize na Ang taong yun Ang unang tao na pumunta sa bahay at nagbigay sa amin Ng mga groceries.

Sinunod Namin sya February Ng dalhin si Itay sa bahay ni Lola Orad base sa kwento ni inay di na raw sila nagpakilala pa kasi pagkarating pa lang nila doon ay sinalubong na sila nito. "Roger pangalan mo dba , tagal kitang hinintay bata buti naman at dumating kana , halika rito pati Ikaw misis. " Sabi sa amin ni inay Ng makauwi sila may inilagay raw na Buti Ng Lana sa palad ni itay at Nakita raw kung saan Ang bahay namin at ano Ang ginawa ni itay. Nakita Rin daw sa Buti nito na nasa dagat si Itay Kasama kami mga anak niya at bigla niya raw naapakan Ang itim na duwende at nagalit raw Ang Ang tatay nito at binuhusan raw Ang papa ko Ng tubig dagat at Yun raw Ang dahilan kaya lalaki at liliit Ang katawan ni Papa dahil raw sa kulam Ng maitim na duwende. May pinahid raw Kay papa para di na sasakit mga katawan niya at may pinakuha syang mga halamang gamot para raw gagaling Ang mga nasisirang part Ng organ system ni Papa dahil sa gamot na iniinom niya at di Rin sya pinapainom ng gamot niya .

At doon nag-umpisa Ang aming pag-asa na sya Ang babaeng sinabi ni itay gagamot sa kanya. Siyam (9) na buwan mula nang magpagamot si Itay Kay Lola Orad Nakita namin Ang progress niya nakakalakad na Siya ng maayos sinusunod niya lamang ang bawat sinasabi ni Lola Orad at lagi sya noting pinapayuhan na magdasal muna Bago inumin ang mga herbal na binibigay niya. Nawala na Rin Ang mga butoy sa katawan ni Papa at bumabalik na sya sa dati niyang katawan. Tanda ko pa noon muntik na akong matuklaw Ng ahas kakakuha ng ugat ng kahoy Ng Salonting(di ko alam ang tawag nito sa iba) at muntik na Rin mahulog sa puno ng SENEGUELAS/SERGUELAS para kukuha Ng sanga nito para panggamot niya. Ito rin Ang nilalagay namin sa tubig para pangligo niya.

Magtapos na Ako sa elementarya pero di pa rin masyadong gumaling Ang Itay di niya Ako Makita na sabitan ng medalya sapagkat ako ang naging valedictorian sa batch Namin. Malungkot akong pumaso kasama si mama gusto ko sana na si Itay ang Kasama ko na papaso at sasabit ng medalya. Nagsimula na ang graduation day at tinawag na ang mga honor student di ko alam bakit na huli akong tinawag at sa di ko inaakala si Itay ang umakyat para sabitan Ako Ng medalya. Naging masaya ang aking pagtatapos sa elementarya kasi malapit Ng gumaling Ang Itay. 2013 tuluyan ng gumaling Ang pakiramdam ni itay at bumalik na sya sa pagtatrabaho. Bumalik kami sa manggagamot niya para bigyan Siya ng handig pasasalamat para sa paggamot niya Kay tatay . Tinanggap niya lamang ang mga pagkain na lutong Pinoy ngunit ang mga groceries ay malugod niya itong tinanggihan. " Tumulong Ako sa'yo sapagkat kinausap Ako ng aking abyan (Ewan anong ibang term nito Basta abyan tawag nito sa bisaya) na Ikaw ay nangangailan Ng tulong at nagdasal ako kung paano kita makilala sa aking panaginip ay Nakita kitang nag-aagaw Buhay. Tanda mo pa ba ang araw na may bumisita sa iyo Siya si Henry my spiritual guardian. Ilang beses ka na niyang sinubukan na tulungan at ipakilala ka sa akin. Sa awa Ng Diyos dininig Ang aking panalangin makilala mo Ako. And God heal you not me He used me para gumaling ka. Magpasalamat ka sa Diyos at huwag sa akin anak". Wika ni Lola Orad na mismo kong narinig. Kaya pala di naghirap si Itay kahit dalawa sa Isang linggo sya pupunta sa bahay nito pero kahit kailan di sya tumatanggap Ng aboloy .

My sister and papa photos from :my sister FB

Mula sa nakakasakit na pangyayari ni itay ay takot na syang maligo ulit sa dagat at mas naging maingat na sya sa kanyang pangangatawan. Naranasan man naming pagtawanan, pandrian at inakusahan ng di tamang sakit. Muntik na mawalan Ng pag-asa pero dahil lumapit kami sa panginoon mas naging matatag kami. God will always find a way para tulungan ka minsan may gagamitin sya tao para tulungan ka. Huwag lamang mawalan ng tiwala sa sarili. Ngayon matiwasay at magaling na magaling na Ang Itay. Pinuntahan niya ang mga nurse na pumunta sa bahay at sapilitan syang dinala. Wala kaming alam kung ano Ang gagawin niya pero sinauli niya lahat ng gamot na di niya ininum at magpasalamat sa kanila dahil raw sa kanila nakilala niya Ang taong ginamit Ng Diyos para pagalingin sya.

Hiling lang Namin na sana mas bigyan pa sya ng malusog na pangangatawan para makasama pa Namin Siya ng matagal.

Author's Note

  • Kung maranasan mo man ito huwag kang mawalan ng pag-asa at lumapit ka sa ating Panginoon.

Lead Image: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=116024827242617&substory_index=0&id=100065053016081

Salamat at Hanggang sa muli

1
$ 0.00
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
3 years ago

Comments

Nakakalungkot man po ang inyong kwento sis pero ganun po talaga ang buhay ng tao kayanin nalang natin na wala na sila at alam naman natin na ginagabayn nila tayo. Sana maging matatag ka po palagi..

$ 0.00
3 years ago

Laking pasalamat po Namin Kasi magaling na po sya

$ 0.00
3 years ago