Tulang Nahalungkat

8 27
Avatar for Chor06
Written by
3 years ago

Gusto ko lang e share yung tula/poem na nabuo ko nong mga panahong,.. (Hindi ko alam ano pumasok sa isip ko ba't ako bumuo ng isang tula haha.)

Itong tulang ito ay ginawa kopa last 2018, matagaltagal narin siya, Iba talaga nagagawa ng facebook din noh, kaya niyang ipaala-ala yung mga kadramahan na naisulat mo nuon.

Sa pagkakatanda ko, ang tulang ito ay naisulat ko nung panahong panay crush o paghanga ko sa mga kapwa ko mag-aaral nuon charoot! Hahah

feel mo yung feeling na napaka inspire mo pumasok sa skwela at ayaw mong umabsent para lang makita siya, yung feeling na gusto mong magpa impress sa klasi para humanga siya.

Minsan may mga taong gusto mong mapalapit sa kanya,

Yung tipo ng tao na sayo'y nagpapasaya,

Yung taong gusto mong lubosan pang makilala,

Yung taong gusto mong sa araw araw ay makita,

Yung taong sa bawat minuto gusto mong makasama,

Yung taong kapag nakita mo'y napapangiti ka niya,

Yung taong nahihiya ka kapag katabi mo siya, Yung taong napapakilig ka,

Yung kumokomplito sa araw mo kapag nakita siya,

Yung taong gusto mong mapansin ka,

Yung taong nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba,

Dahil palihim kang umiibig sa kanya, Dahil siya yung tipo ng tao na gusto mong mahalin ka.

Nung nabasa ko to, nasasabi ko talaga sa sarili ko na iba talaga, iba talaga yung mga panahong napaka inspire mo pa.

yung panahong nasa level kapa na parang napakauhaw mopa na pumasok sa isang relationship,

Iba talaga nagagawa ng taong pumapagIBIG, akalain mo, masasabi ko sa sarili ko na di ako mahilig magsulat, gumawa ng tula essay at ano payan pero ito, meron talagang patunay na minsan akong nakapagsulat ng tula hahah.

Halata ko talaga sa sarili ko na napakainspired ko talaga in terms of Pag-ibig sa mga panahon nato.

Ngayon ko talaga lalong na realize ang kagandahan ng pagsusulat, dahil aside from taking pictures mas maganda rin pala maghalungkat ng mga nakaraang naisulat mo na parang nagsisilbing parang diary lang ng buhay mo.

Katulad ng platform nato, isa rin to na malaya yung bawat user na magtala o magsulat ng mga ideya o pang araw-araw na ginagawa sa buhay.

Hayss napapaisip tuloy ako kong sino yung taong naging dahilan na napasulat ako sa mga panahong yun.

By the way, Share Ko lang

No Hate Just Love please.

Buti pa, kung may tula ka ring nagawa, paki comment down ng link o paki comment babasahin ko, matiyaga akong magbasa ng tula hahah.

4
$ 0.15
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @leejhen
Sponsors of Chor06
empty
empty
empty
Avatar for Chor06
Written by
3 years ago

Comments

May hugot, kuya!

$ 0.00
3 years ago

Hahaha ou panahon yan nung uso pa yung inlab2 hahah

$ 0.00
3 years ago

kung san ka masaya, go kuya hehe

$ 0.00
3 years ago

inlab na inlab ka talaga noon pre..halatang halata talaga eh😂

$ 0.00
3 years ago

Hahahah nuon ya. Mars pero iba talaga pag mag mature na, parang diko na siya priority hahah

$ 0.00
3 years ago

ouch naman yung hindi priority😣

$ 0.00
3 years ago

Hahahah Hindi sa ganun mars as a unmaried person like bah nung Hindi na talaga tulad dati na napaka active pa sa crush² inlab² ganyan hahah. I mean parang mas nakafocus na ngayon kong anong career gusto mo ma achieve in life na heheh😅 hirap tuloy eh explian ehh hahahah

$ 0.00
3 years ago

hahaha guilty eh 😂😂

$ 0.00
3 years ago