"Mga Kaibigan"

13 27

May isang kaibigan na kilala ko na ang ginagamit sa pagsusulat ay ang wikang filipino at minsan ay gumagamit siya nag Taglish o tagalog at english na linguwahe sa pagsusulat ng article.

Dahil sa isa akong Pilipino mas pabor sa akin ang pagsusslat sa wikang kinagisnan ko na hindi masyadong iniisip ang grammar kumpara sa pagsusulat ng english.

Sa article na ito ay ibabahagi ko ang katagang KAIBIGAN o patungkol sa pagkakaibigan/frienddship.

Sa mundong ito meron tayong mga kaakabay na mga tao maliban sa ating mga magulang,kapatid at kapamilya. Maliban sa pamilyang masasandalan ay meron tayong mga kaibigan o mga taong di natin pamilya sa usaping kadugo datapwat itinuturing natin silang pamilya dahil sa gawi at malapit nating mga puso.

Sino-sino ba itong mga taong itinutoring nating kaibigan?

Lahat na nakakasalamuha nating tao ay itinutoring nating kaibigan ngunit ito ay nakadependi sa pakikitungohan. Marami tayong nakakasalamuha na kaibigan, kaibigan na nakakasalamuha natin sa simbahan, daanan, pasyalan, sayawan, paaralan at maging ang ating mga kapitbahay ay ating mga kaibigan pero ang mas kadalasan nating naging kaibigan ay ang ating mga kababata na siya rin kadalasan nating naging kaaway minsan pero di maipagkakaila ang pagkakaibigan at sa bandang huli ay nagkakaunawaan.

KAIBIGAN isang simpleng kataga pero sobra ang inpluwensiyang dala. May mga kaibigan tayo na ang dala ay kasiyahan pero sa rami nag ating nakakasalamuhang kaibigan ay di natin maitatanggi ang katotohanan na meron sa mga ito ang maghahatid sa kasamaan at kamalian. Ganun paman ang kaibigan ay kaibigan at sila ay naging parte ng ating buhay.

May mga kaibigan na di natin malilimutan dahil sa lamat at dalang tatak sa ating puso't isipan. Mga kaibigang naghahatid ng saya at naging sandalan sa oras ng kagipitan. Mga kaibigang sinasamahan ka hirap at saya. Kaibigang naging kasama sa biyahe ng buhay upang sungkitin ang inaasam na tagumpay. Kaibigang saya at kabutihan ang dala ay ang kaibigang dapat mong ingatan at pahalagahan. Hindi lahat ng tao ay kilala ka at handang tulongan ka sa oras ng kapahamakan at kagipitan kaya pasasalamat at kabutihan ang dapat nating isukli sa kanila.

Sa milyon milyong tao dito sa mundo mapalad ka kung nakatagpo ka ng taong handang tutulong sayo. Kung wala ang mga taong malapit sayo na maari mong masasandalan na oras ng kagipitan ay luha at sugatan kang magiisa sa gitna ng kailangan mo ng masasadalan.

Ika pa nga sa sulating pinamagatang "No man is an Island" na sikat na sulat ni John Donne na ang tao ay hindi nabubuhay kung magiisa at hindi siya maaring makatayo sa sariling paa datapwat kailangan natin ang isat isa para sa patuloy na paglaganap ng sangkatauhan sa mundo.

Sa lahat ng kaibigan ko isang taos pusong pasasalamat para sa inyo dahil naging parte kayo at naging parte ako ng buhay ninyo. Hindi pa ito ang wakas datapwat ito ang simula na hindi kailangan ng wakas para sa wagas na pagkakaibigan.

Sarap lang balik balikan yung mga ala-ala na masaya kasama ang mga kaibigan diba? Yung mga panahong tipong walang inisip na poblima dahil sa sayang nadarama, yung tipong kulitan galaan, kwentuhan, kantahan, kainan at iba pa na masayang ala-ala kasama sila.

Nakakalambot din ng puso balikan yung mga kaibigan na tinulongan ka sa gitna ng kagipitan. Yung mga kaibigan na nararapat lang na masuklian ang kabutihan,sila yung mga kaibigan na di mo lang nakilala at nandiyan lang sa saya datapwat kahit sa kagipitan ay handang tulongan ka.

3
$ 0.05
$ 0.05 from @Zhyne06
Sponsors of Chor06
empty
empty
empty

Comments

Ang lalim nang mga salitang ginamit . Iba talaga pag ginamit ang sariling wika natin. and really true maraming mukha ang Pagkakaibigan sa lahat din nang mga kaibigan ko, chill lang kayo jan ako lang to!! hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahah nga eh, matanong nga kita madamme @mommykim na try mona mag sulat ng Filipino language dito?

$ 0.00
3 years ago

di pa eh...by the way sa visayas ka ba or mindanao? sa visayas ako eh,,cebu

$ 0.00
3 years ago

Ge ahak bisdak man pud d.i kang dako hahaha silingan ra d.i ta chiro🤣

$ 0.00
3 years ago

hahaha gihurot nimo akong tagalog pre hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahah ahak way nag sugo nimong mag tagalog ka uyy. Kaingun ko bag from USA ka😅

$ 0.00
3 years ago

karun pa ko anang taga USA nga mag tagalog pre...tabaghak

$ 0.00
3 years ago

Hahaha naa uyy, kanang mga amerkanong hilaw madame 😅

$ 0.00
3 years ago

hahahahah amew

$ 0.00
3 years ago

Yay!! He's alive and kicking in this site. Wuhoooo. Wishing your success here bayot. ☺️

$ 0.00
3 years ago

Kani laging timbahay flor🤣 way lain serbisyo manimpad ta anis bacn d i chambahan🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Unta mao na ni chora uie. Haha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha mao lageh. Lipay na lamn ko ani kay auto approave nkos open for all nga community🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago