Sampu (Spoken Poetry)

0 16
Avatar for Chlyden
3 years ago

Isa- Isang taon na ang lumipas nong umalis ka. Umalis dahil ayaw mo na. Ayaw mo na sa akin dahil gusto mo siya. Siya? Oo siya. Yung kasama mo na sinabi mo, na kaibigan mo lang.


Dalawa- Dalawang beses ko kayong nahuling magkasama. Magkasamang tumawa sa plaza. Sa plaza na maraming magkasintahan. Magkasintahang naglalambingan at naghahawak kamay. Hinahawakan mo yung kamay niya at hinahalikan. Ni hindi mo nga yan ginawa sa akin. 


Tatlo - Tatlong oras. Tatlong oras ang ginugol ko upang hintayin ka sa paborito nating restaurant. Sa restaurant kung saan ako sumagot. Sumagot sa tanong mo na 'Tayo na ba?' Doon mo rin ipinagsigawan kung gaano mo ako kamahal. Mahal? Minahal mo ba talaga ako? Bakit ganito ang ginawa mo sakin? Sabi mo papunta kana. Malapit kana. Pero nasaan ka? Kasama mo ba siya? Dumating ka nga pero huli na.


Apat - Apat na green roses ang natanggap ko galing sayo. Dahil sabi mo ito ay ang simbolo ng ating pagmamahalan. Pagmamahalan na hindi mababasag magpakailanman. Sabi mo, magkakatuluyan tayo sa bandang huli. Pero sa huli, ikaw ang unang sumira. Sumira sa pundasyon at matatag nating pagmamahalan. Gusto mo ba talagang magkatuluyan tayo, o sa kanya dapat ang mga salitang ito? 


Lima - Limang araw akong tumawag na sunod-sunod sa iyong telepono. Tumawag ako nang paulit-ulit, dahil hindi mo sinasagot ang tawag at text ko sayo. Kaya pumunta nalang ako sa bahay niyo. Pero wala ka doon. Nakasarado ang mga pintuan. Nakalock ang iyong gate. Nagtanong-tanong na ako sa iyong kapitbahay, ngunit hindi rin nila alam. Ano na ba ang nangyayari? Bakit hindi mo sinabi kung nasaan ka? May tinatago ka ba sa akin? Ibinawalewala ko yun. 


Anim - Sa ika-anim na araw, ikaw na ang tumawag. Tumawag ka at sinabing nasa malayo ka. Malayo kung saan walang maayos signal. Malayong lugar dahil may out-of-town trabaho ka. Tinanong kita, "Bakit hindi mo ako nasabihan?" Ang sagot mo lang ay, "Sorry nakalimutan ko, medyo busy kasi ako." Madali ba talaga akong makalimutan? Wala ba akong halaga sayo? O magkasama na naman ba kayong dalawa?


Pito - Pitong araw nalang ay kaarawan ko na. Excited na ako dahil sa araw na iyon ay uuwi ka. Uuwi ka at magkakasama na tayo. Magcecelebrate tayo kung naalala mo. Kung naalala mo anniversary din natin yon. 


Walo - Walong tanong ang ibabato ka sa iyo. Sa pagdating mo, maraming katanungan ang dapat maisasagot mo na totoo. Wala nga akong tulog dahil sa paghahanda na ito. Ngunit hindi ko inaasahan na naghanda ka rin pala.


Siyam - Sa ika-siyam na gabi, nagkita tayo. Nagkita tayo sa paborito nating restaurant. Ngunit hindi mo man lang ako binati. Wala kang naalala kahit ano. Dumating ka at nag-order tayo. Ang tahimik ng ating paligid kaya binasag ko. Binasag ko at simula nang magtanong. Pero bigla ka nalang tumayo at sinabing "Break na tayo." "Pagod na ako." "Hindi na kita mahal." "May mahala na akong iba." At umalis ka nalang bigla.


Sampu- Sa sampung taon tayong nagsama, naiwan akong sawi, basag, at palaging umiiyak. Umiiyak na walang katapusan. Ni hindi mo man lang nasagot yung mga katanungan ko. 

-2017 Archives (Chlyden)

1
$ 0.00
Avatar for Chlyden
3 years ago

Comments