"aking Ina"

0 14
Avatar for Chinita_maldita15
3 years ago

(Take time to read this)

Alam mo yung feeling na iritang irita ka na sa sermon ng nanay mo, iritang irita ka na sa mga bagay na nasusumbat niya sayo, iritang irita ka na sa mga times na binubulyawan ka pag nakauwi ka ng sobrang late, iritang irita ka na sa bawat paalala niya, iritang irita ka na sa linya nyang “papunta ka palang, pabalik na ko!”, iritang irita ka na sa pangingialam niya sa buhok mo, iritang irita ka na sa kakapababa niya sayo para kumain, iritang irita ka na kapag di ka pinapayagang gumala, iritang irita ka na sa bawat utos niya, iritang irita ka na sa texts niya na “anak asan na u”, iritang irita ka na sa mga sigaw niya, iritang irita ka na sa mga dabog niya sa tuwing nag-aaway sila ng tatay mo…

Pero pano pag dumating yung araw na mawala yung nanay mo?

Wala nang pipigil sa trip mo. Wala nang magsasabi or magdidikta ng kung anong dapat mong gawin. Wala nang mambabadtrip sayo. Wala nang mangsesermon. Wala nang text or tawag. Wala nang maingay sa bahay niyo. Wala nang taga-luto ng paborito mong ulam. Wala nang lilinising basag na figurine kapag nag-aaway sila ng tatay mo.

Imagine. Just imagine. Mamimiss mo siya. Mamimiss mo siya ng sobra sobra. Imposibleng hindi, sa kanya ka nanggaling e. Masakit diba?

Oo, kailangan mong matutong maging independent. Oo, malaki ka na at minsan kailangan mo ng leisure. Oo, alam mo na yung mga bagay na tama at mali. Naiintindihan ng nanay mo yun. Kaya ka pinaghihigpitan, napagsasabihan, nabubulyawan, at nasesermonan kasi para sayo yun. Sobrang nag-aalala kasi yan sayo. Napagdaanan niya lahat ng tamis at pait nung kabataan niya kaya ayaw niyang maranasan mo yung naranasan niya. Kung minsan feeling mo, hindi nagpapaintindi yung nanay mo, it just means na manahimik ka nalang. Kesa lumala pa. Lalo lang lalayo yung loob mo sa kanya. Sabihin na nating, mataray nanay mo. Wag mong panindigan yung kasabihang “kung ano ang puno, yun din ang bunga”. Paano kayo magkakasundo niyan kung walang proper interaction? Sobra kang naiintindihan ng magulang mo.. lalo na ng nanay mo. Kahit ba lagi siyang wala or nasa abroad, nasa puso at isip ka niyan lagi. Diyan ka nanggaling e. Sa tiyan niya. Tiniis niya yung sakit ng childbirth para sayo. Kung hindi ka niluwal edi bulok ka na sa tiyan nyan. Lahat gagawin ng nanay para sa anak niya. Precious ka e. Pinaghirapan ka niyan kasama tatay mo. Kaya please, wag mong gaguhin, bastusin, suwayin, isnabin nanay mo ha? Pakatino ka.

Pahalagahan mo habang andyan pa. Hindi yung Kung kelan Wala na saka mo maiisip na Sana pinahalagahan mo sya 😥

-2
$ 0.00
Avatar for Chinita_maldita15
3 years ago

Comments