Simula

0 3
Avatar for Ching_Lyn
3 years ago

Naaalala mo pa ba,

Yung mga panahon na na tayo ay unang nagkita?

Naaalala mo pa ba,

Kung paano tayo nagsimulang maging magkaibigan hanggang sa ligawan kita?

Naaalala mo pa ba,

Ang araw na sinagot mo ko ng 'oo' habang hinaharana kita?

Alam ko namang alam mo pa kung paano tayo nagsimula.

Tandang-tanda ko pa rin ang bawat detalye

At ngayon alam ko na, na ito na ang bagong simula,

Hakbang patungo sa pagsasama ng walang hanggan,

Bilang mag-asawa.

1
$ 0.00

Comments