Sharing this item, kadadating lang kanina ng parcel ko sa shopee, medyo natagalan umabot ng 4 days pero oks lang,. Electric kettle to (heating Cup) kaya bumili ako nito minsan kasi nauubusan ng hot water sa termos kahit na kakapakulo ko lang nauubos agad, yung iba kong kapatid ayw mag pakulo, sila umuubos, kaya nag solo ako, para may magamit din sa noodles. Minsan din kasi busy ako dito sa kwarto dahil sa mga online task kaya late na din kumain 😅 Parang kailan nag Nov 1 friday na agad, ang bilis ng araw
44 comments
Ganda sis sigurado napa kauseful Yan sayo..
Opo very useful for me kasi ako lng gagamit,, sabi ng mga kapatid kong lalaki gamitin din daw nila. Sabi ko utot niyo hahaha .. talagang mga barakong to e😆
Hahahaha,,Akala nila maisahan ka nila ah..natuwa ako sayo
Hahaha, ang kulit kasi panay asa eh 😆
Ganda
Kasing ganda mo po .. 😅
Bka ilang araw lang mag last yan 😅
Okey naman siya mukhang tatagal, kaso made in Chekwa buset na yan 😅😅
Bsta bntayan mo Yan lagi ksi delikado Yan pag naubos water sa loob.
Ay yes po napka delikado talaga dapat talaga bantayan,
Mgshort circuit Yan kaya Ang Dali mka create Ng sunog kaya wala akong heater at takot Ako sa sunog hehehe.
Pero yung sa isang kapatid ko, sa awa ng Diyos mag 1 year na yung heater cup niya, bast alaga lang, laging bantayan pag may nakasalang na tubig, tapos wag babasain sa part nung ilalim na pinag mumulan ng init..
Very good yern. Laging bntyan para lahat safe.
Konti lang naman siguro ang dagdag sa kuryente nyan ano.
Yup mababa lang naman maliit lang e,
Hehehe nag cute.. Meron nanay ko nyan eii... Bit bit ny lagi sa swimming
Pwede nga rin gawin kapehan kaso ang laki .. parang malulunod ka sa pag inomn😅
Nako sis.. Malulunod k talaga ng bongga jan
Haha kaya bumili ako ng isang cup e yung maliit lang
Wahoo, I think, you've managed it for the winter season, Good thinking.
Yup, that's a good idea, but here we don't feel the winter season yet, it's still like a summer month😅
😬😅
😅😅
sis.. bili termos kasing laki ng drum par adi ka maubusan ahhahaha
Hahahah, kung meron sana eh 😅
It uses a lot of electricity dear, if you use it continuously it will make the bill swell.😁
No, its consumption will be low because it is small, and I rarely use it when necessary 😇
Everything that conducts heat requires a large electrical voltage, dear, but it doesn't matter as long as you rarely use it.😁
My sister uses her heating cup twice a day, maybe she's been using it for a year, but the bill is low 😆
Hopefully dear, I'm just telling you, but if it's low you think it's fine.😇
okay yan sis kasi mapapabilis ang pag init ng tubig..
Yes sis basta bantayan lang maige 😇
Haha nagsarili ka na
Nag independent nko sa pag papakulo sis 😆
Ayos yan sis mayroon kna sariling pakuluan
Yes sis gusto ko kasi may sarili akong gamit e
Good quality yang tatak nayan sis, subok ko nayan.
Anong tatak ng sayo sis?
magkano din yung ganyan kettle, mukha naman sya matibay at magagamit mo sya ng matagal
Sana nga po, tumagal, nabili ko lang yan ng 120 Less shipping Fee dahil sa pts
Mabilis magpakulo ng tubig diyan.
HM po hahaha
wow.. nabudol na naman
Magkano ganyan sissy?