Ako'y isang binata na umibig sa isang dalaga.
Nung una ko siyang nakilala ako'y natulala.
Sa kanyang pambihirang kagandahan, ako'y kinabahan.
Kinabahan, sa kadahilanang baka ako'y di pakisamahan.
Tumagal pa ang araw, siya ang lagi nasa aking isipan.
Di ko na namamalayan, nahulog na aking kalooban.
Nung siya'y aking niligawan, sinabing Di ko siya iiwan.
Nang ako'y sinagot na, Saya ko'y Di mapalinawagan.
Nung siya'y pinakilala ko sa aking mga magulang, simangot ang kanyang nasaksihan at ako'y kinabahan.
Magulang Kong tutol sa aming relasyon, Kaya ang hirap Ng aming sitwasyon.
Di ko mapaliwanag Kung bakit ayaw siya Ng aking mga magulang.
Dumaan pa ang araw, pinauwi ko ang aking kasintahan sa kanyang tinitirhan.
Di ko namalayan, sa aking desisyon. Puso niya'y naghihinagpis.
Labis nadismaya ang kanyang naramdaman.
Tumagal pa ang araw, Di na siya nagparamdam at ako'y nagdamdam.
Pumunta ako sa kanyang bahay, upang siya'y kausapin.
Sa aming pag uusap, siya'y nagtanong, Kung siya ba o ang aking mga magulang.
Ang aking pinili, walang Iba kundi siya. At kami'y nagsama.
Sa pagpili Kong iyon, ito pala'y isang pagkakamali.
Dahil sa pagtagal, nag Iba ang kanyang ugali.
Madalas siya'y Di umuuwi.
Isang araw nahuli ko siya'y may kaaliwan at ako'y iniwan.
Lubos Ang aking pagsisisi, dahil magulang koy aking iniwan upang siya'y samahan.
Ganunpaman, tinanggap parin ako Ng aking mga magulang. Sa kabila Ng aking pagkukulang.
Bow!