"Suko na ko"

2 17
Avatar for Che26
Written by
3 years ago

Ewan ko ba kung bakit nagpupumilit pa ko na magpatuloy samantalang wala naman akong kakayahan na gumawa ng isang magandang artikulo na kagigiliwan din ng ibang magbabasa.

Alam niyo ba? Bago ko matapos ang isang artikulo na gagawin ko ay umaabot ng ilang araw ito bago maipublish. Gusto ko kasi sana maisulat sa english ang gagawin ko baka sakaling may magbasa na at makapansin sa akin.

Pero wala talaga parang sinasayang ko lang ang Sarili ko dito,parang pinapahirapan ko lang ang Sarili ko dito!

Ayoko na suko na ko!!!!

May balak pa sana akong isulat dito, actually may nakabinbin pa kong article na hindi pa matatapos dahil sa english ko sinusulat at mahina tayo diyan slam niyo na? I'm not so confident for it but I really try my best. Pero ngayon ayoko na talaga.

Dahil itong account na naman na ito ay spam na naman. Hindi ko alam kong bakit spam na naman to! Hindi lang ako nakapagbukas ng ilang araw dahil sumasakit ang ulo ko tapos spam na naman.!

Nagsisimula palang sana ako pero parang hindi na talaga gustong ipagpatuloy. Hindi ko na talaga matutupad ang pangako ko sa anak ko. Hindi narin ata ako makakasali sa Club1BCH,dahil kong noise lang ang aasahan ko malabong mangyari yun.

Pero dibale sumuko man ako dito sa site na to,baka may plano si God na ina para sakin. At kung ganun din lang naman hindi ko na sasayangin pa ang Sarili ko dito.

Nagkakamali baluktot dila ko kakaenglish dito,nagkakabulol bukol ako at alam ko na hindi kagandahan ang mga grammar ko. Pero nagtry parin ako tapos ganito lang ulit.

Spam na naman ulit??ano ba nagawa ko? Tsaka simula ng nagsulat ako hindi na talaga napansin ni Rusty ang mga gawa ko. Useless na talaga!!!

Goodbye sa lahat..salamat po sa iba na nagcheer up sakin dito..hindi mo na sasayangin ang oras ko dito. Godbless nalang po sa inyong lahat..

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Shyness
Sponsors of Che26
empty
empty
empty

Comments

Hwag ka mawalan ng pag asa. Habang may buhay, may pag asa.

$ 0.00
3 years ago

Pangalawa ko ng account to sis pero ganun parin eh..okay lang kahit walang reward pero yung napunta sa spam parang may nagawa na naman akong hindi maganda..nakaakasama ng loob..ilang days lang naman along hindi nakapag open dahil sira cp charger ko pero pagopen ko biglang spam..😢

$ 0.00
3 years ago