I just wanted to write it in English but I don't have english in my baul so I used my country language which is tagalog.
Aloha mga ka Noypi,long time no write here at read.cash, alam ko hindi niyo ko namis kasi wala naman akong gaanong follower dito. And besides I know naman na hindi niyo din inaabangan ang mga sinusulat ko. Ashumera lang talaga ang lola niyo kaya hindi parin ako tumitigil sa pagsusulat dito.
So my today topic was about what happened yesterday and now. Naniniwala ako na kapag may kailangan ka,at kahit hindi mo ito hilingin sa Panginoon mangyayari parin ito. Dahil sa Panginoon walang imposible,lahat maaring mangyari.
Isa na dito yung pagkakarecover ng nanay ko mula sa pagkaka mild stroke niya. Ilang beses ko na itong nasasabi sa post ko sa noise.cash pero ito palang ata ang first time ko na ikwekwento o maisulat dito kay read.cash.
Nangyari yung mild stroke ng mudra ko noong May 26,2021. Isang umaga paggising niya,napansin na ng mga kamag-anak namin na parang may nangyari sa mukha niya at pagsasalita niya hangang sa natuluyan na at nadala Siya sa pinaka malapit na clinic sa amin.
Sa unang check up niya sa first clinic niya,yung doctors dun ay nagadvice na Ipa admit na raw si mudra sa ospital dahil nga sa ospital daw ay mas maaalagaan si mudra. Pero hindi pumayag si pudra kaya nagsecond opinion kami sa isang matagal na naming doctor na pinapacheck up. Then doon sa second doctor hindi nagadvice na iadmit sa halip ay binigyan si mudra ng gamot na Maari niyang inumin.
Dumaan ang isang linggo na pagpapagamot naging maayos si mudra. Nakakalakad na Siya magisa at hindi na gaanong bulol ang pagsasalita niya,malakas narin yung mga braso niya.
Sa Lahat ng mga nangyari na yun sa mudra ko alam mo na Ang Panginoon ang nagbigay kalunasan sa aking Ina. Gabi gabi ko yun pinagdarasal sa kanya. Kaya masasabi ko na walang imposible basta hiniling mo sa Panginoon.
Second
Yung kuya ko na may sakit, sabi nung doctor na tumingin sa kanya wala na raw kalunasan yung sakit niya. Kaya yung kuya ko ay nawalan ng pagasa na masololusyonan pa ang sakit niya. Pero gabi gabi lagi siyang humihiling sa Panginoon,maging ako na sana ay bumuti ang kanyang pakiramdam.
Kahapon sabi ng kuya ko medyo nagiging okay naman na daw Siya hindi katulad noon na para siyang lalagnatin,yun nga lang hirap parin Siya lalo na kapag nagbubuhat ng mabigat na bagay. Nagiisa nalang ang kuya ko,may mga anak Siya pero hindi Siya inaaruga. May maliit na tindahan ito na pinagkukunan niya ng pagkakitaan niya.
Back to topic..
Nagsisisi ang kuya ko sa mga pinaggagawa niya sa Sarili ng mga panahon na malakas Siya. Marahil dahil doon kaya hinihilom ng Panginoon ang kanyang karamdaman. Marahil nakita ng Panginoon ang sincerity ng kuya ko sa paghiling niya at pagsisisi niya at binabalik loob na ito sa kanya.
Kaya naman nasabi ko na basta magsisisi ka at lumapit ka sa Panginoon walang imposible. Ano mang karamdaman ay kaya niyang hilumin basta makita niya sayo na sincere ka at muli kang kumakapit sa kanya.
Ang the last but not the least is yung pagakkapanalo ko sa Swertres.
Actually hindi ko Siya hiniling kasi sabi ko kay Lord na sapat na sakin na gumaling at pangalagaan niya yung mga mahal ko sa buhay.Hindi na ko hihiling about sa financial,kahit na may kinakaharap kaming financial problem ngayon. Hindi ko na ikwekwento dahil maari ko pang magawang article yun once na sinipag ulit ako magsulat.
So ayun na nga hindi ko Siya hiniling pero pinagkaloob niya. Bago kasi ako pumunta kahapon sa bahay ng mudra ko,para samahan Siya sa follow up check up niya eh sabi ko kagabi na tataya ako sa Swertres at lotto. Sabi ko bahala na kung manalo basta magbabakasakali ako kasi baka palarin hindi na kami kakapusin sa gastusin para sa 7th birthday ng anak ko.
Kaya kahapon nasa isip ko na siya na tataya ako kung san ako nanalo ng Swertres noon pero sadly hindi ako nakataya. Wala kasing time na tumaya dahil noong pinamili ako ng kuya ko para sa tindahan niya,natagalan ako doon kaya yung oras na dapat eh para sa pagtaya ko ay hindi na natuloy.
Akala ko kahapon hindi na ko makakataya pero biglang gumawa si God ng paraan para makataya ako. Yung jeep na sinasakyan ko pauwi eh biglang gagarahe na,dahil sa ako nalang ang sakay niya along the way. Kaya nakapagdesisyon na si manong driver na ilipat ako sa Ibang jeep. Pero sabi ko kay manong ibaba nalang niya ko sa may Puregold,may tayaan kasi malapit doon pero hindi din ako tumaya dun bagkus ay naglakad pa ko doon sa isang tayaan na pinagtatayaan namin ng asawa ko malapit sa Chowking.
Noong nandun na ko,tumaya ako una ng lotto then naisip ko tayaan narin yung Swertres number at dahil sa hapon na kaya panggabi nalang yung tinaya ko. Yan yung number na tinayaan ko kahapon ng hapon, pakiramdam ko talaga si God yung gumawa ng way para makataya ako.
Kanina I checked the Lotto results pero ni isang number walang nakuha. Kaya sabi ko ay ang alat pero that time hindi ko pa nakikita yung labas sa Swertres,muntik ko pa ngang itapon yung Lotto ticket kasi yung sa lottery wala akong nakuha baka malamang talo rin ako sa Swertres. Lagi kasi akong tumataya noon pero laging sawi,but this time Thank You Lord 🙏🙏
Bago ko malaman na tumama ako busy pa ako na pinapatulog yung mga anak ko. Then suddenly sabi ko check ko nga kung ano tumama sa swertre then nung makita ko biglang kinabahan ako. Tapos bumaba ako ng bahay at kinuha ang ticket then yun na nga nanalo ako. Grabe yung saya ko na hindi ako makapaniwala na nanalo ako,kasi nga lagi akong talunan noon. Nakailang tanomg pa ako sa mister ko na" nanalo ba ako" yung akala mo nanalo ka ng malaki.😂 Pero sa totoo lang malaking tulong na yun,sobra sobrang tulong.
Lalo na ngayong an hindi ako kumikita Kay noise at read.cash kaya sobrang blessings ang dumating na yun. Bibihira talaga ang makakapanalo sa mga ganyang laro,mas lamang din ang talo kesa sa panalo. So ayun na nga ng makita ko na totoong nanalo ako,naligo na ako agad at pumunta sa outlet kung saan ako tumaya.
Thank You Lord sobra sobra,hindi ko na kailangan manghiram pa ng pera pandagdag dahil kayo na po ang nagdagdag. Hindi ko Siya talaga hiniling pero pinagkaloob niyo po sa akin maraming maraming salamat po Panginoon 🙏🙏
Hindi talaga natutulog ang Panginoon,lagi siyang nandiyan sa tabi natin. At maririnig niya Lahat ng ating mga hiling at problema. Kung pakiramdam mo ay dapang dapat kana,manalig ka lang at itatayo ka niya. Hindi man instant pero sure na may ipapadala siyang tulong para sayo,basta manalig ka lang at manatiling mabuti sa bawat oras.
Yun lamang po ang aking ibahagi sa ngayong,sana ay may napulot kayong aral o ano pa man sa article na ito.
"God Is Good All The Time" "There is no impossible work for him,all you need to do is hold and pray" Do all good things and be patiently waiting for his