Paano nga ba magmahal? Ano bang alam natin pagdating sa pagmamahal? Nasubukan mo na bang magmahal?nakaramdam ka na ba ng iba't ibang emosyon dahil sa pagmamahal? Nasaktan ka na ba?
Dito nyo malalaman ang napagdaan ko sa pagmamahal.
Ang pangalan ko ay Alexandria, isang pinay. Aaminin kong ilan beses na din akong nagkamali sa pagmamahal. Ilan beses ng nabigo, nakaramdaman ng iba't ibang emosyon. Minsan napapatanong na lamang ako bat nga ako nagmamahal ng paulit ulit kung nabibigo lang din ako. Ilan beses akong nagtanong sa panginoon bakit hindi nya na lang ibigay sa akin ang tamang tao, para hindi na ako masaktan ng paulit ulit. Paulit ulit na niluluko, hindi naman ako pangit, dahil wala naman pangit sa mundo, maunawain naman ako, binibigay ko naman ang lahat, ngunit niluluko pa din.
Ngunit dito ko nalaman na, ang pagmamahal pala ay hindi pinipilit, hindi hinahanap, dahil kusa itong darating sayo. Magkakaiba pala ang pakiramdam. May masakit, may masarap sa pakiramdam. Ang pagmamahal pala ay isa sa napaka gandang pakiramdam. Lalo na kung pareho kayo ng intensyon sa pagmamahal. Na sa bandang huli kayo pa rin talaga, at kung hindi ay hindi talaga.
Masarap umibig, masakit ang masaktan, lahat ng umiibig iya'y nararanasan. Subalit datapwat sa bandang huli ito ay nag sisilbing aral o isang pampatibay para lumaban sa mundong ating ginagalawan. Kayganda ng iyong isinulat, aking naramdaman at naging makata sa katapusan.