Tunay nga ang kwento nila,
Kahit sa tirik na araw ay nagsisipag ka,
Namamalagi sa malawak na lupa,
Nagpapagod sa bawat butil na mamumunga.
Ngunit, tunay din ba ang turing ng iba saiyo?
Na ikaw ay maliit lamang,
Maaring tapak tapakan ninuman,
At di man lang pahalagahan.
Ang iba pa nga’y ikinakahiya ka raw,
Ikaw na marangal,
Ikaw na pawis at tyaga ang puhunan,
May mai-imbak lang sa darating na tag-ulan.
Ikaw ay langgam lamang,
Mali! Ikaw ay dakilang langgam,
Nag-aaro sa lupang sakahan,
Mga tanim mo’y milyon ang binubuhay.
Ikaw ay langgam sa kasipagaan,
Ngunit hindi maliit na langgam para tapakan,
Nararapat saiyo ang pag-papahalaga,
Maging ang sapat na bayad sa iyong mga gawa.
Ikaw ang langgam sa lupang sakahan,
Na nagtitiis sa sakit ng katawan.
Maging ang tipaklong ay iyong binibigyan,
Kahit na mismong ang nasa iyo ay sapat lang,
Hindi ba’t ang pangalan mo’y, magsasaka?
Oo, totoo nga ang kwento nila,
Na kahit masipag ka sa iyong ginagawa,
Nakakalungkot isiping tingin saiyo ay mababa.
Hey guys, I'm glad to join "Get Sponsored !!" community. The idea of community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities.
Join if you want to "Get Sponsored !!"
Thank you @Ashma for creating this opportunity. I am a newbie but I got inspired to write more because of your guidance. Thank you🤗❤
You can comment down your thoughts. Thank you for reading🤗 Don't forget the likes and up votes❤
Ang langgam ay maihahalintulad sa taong masipag na walang ibang ginawa kundi isipin ang mahao sa buhay upang maibigay ang mga pangangailangan. S