Halina sa CamNorte

0 11
Avatar for Charlotte
3 years ago

Nais kong lakbayin,

Ang mahabang baybayin.

Aking pagmamasdan,

Hampas ng alon sa dalampasigan.

Nais kong tikman,

Ang matatamis na pinya.

Ang balat at dahon ay may pakinabang pa,

Pangkabuhayan sakanya makukuha.

Nais kong pasyalan

Ang unang monumento ni Rizal.

Pambansang bayani, nagsulong ng kalayaan.

Pati na rin ang museyo ng mga bayani at sining lokal.

Nais kong dumayo sa daungan ng barko,

Maliit at malalaking isda may tinda rin dito.

Sa lugar ng ginto, bakal, at mineral,

Bibisitahin ko rin naman.

Nais kong kuhaan ng litrato

Mga estrukturang suinubok na ng bagyo,

Mula pa unang panaho’y nakatayo na ito,

Aking isasalaysay kani-kanilang kwento.

Nais kong ibahagi ang aking probinsya.

Likas na yaman, tunay na makasaysayan.

Matapang at mapagmahal,

Mga mamamayang naninirahan.

~Charlotte

5
$ 0.01
$ 0.01 from @mooontivated
Sponsors of Charlotte
empty
empty
empty

Comments