Mga Adhikain sa Buhay

5 585

Lahat tayo ay may kanya-kanyang adhikain sa buhay na nais natin isakatuparan. Iniisip natin ito at pinaghahandaang mabuti. Sa kabila ng ating pagpaplano, minsan ay hindi pa rin ito nagiging sapat. Nariyan ang mga balakid na pumipigil sa atin. Ganun pa man, kailangan itong pagdaanan upang makamit ang inaasahang resulta sa hinaharap

Nalalapit na ang pagtatapos ko sa hayskul. Isa na namang yugto ng pag aaral ang magwawakas kasunod ng pagpasok ng bagong kabanata sa kolehiyo. Dito na babatay kung anung propesyon ang aking paghuhusayan upang paghahanda sa pagtatrabaho bilang isang indibidwal na mamamayan. Ang plano ko sa aking sarili ay maging isang inhinyero balang araw. Hindi lamang dahil maganda ang trabahong ito at maraming kalamangan sa ibang propesyon, kundi makatutulong ito upang paunlarin ang aking kakayahan at magkaroon ng kontribusyon sa sariling bayan. Mabibigyan ko din ng magandang buhay ang aking mga magulang sa trabahong ito.

Upang matupad ang mga planong ito, nangangailangan ng mahabang pagtitiyaga at panahon upang mahubog ang aking kakayahan. Mag-aaral pa akong mabuti bilang hakbang sa pagkamit ng aking adhikain at ito. Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya at hindi papatinag sa mga problemang darating. Sisikapin kong ang panahon na aking gugugulin sa pag aaral at sakripisyo ng aking mga magulang ay hindi masasayang.

May mga paniniwala na nakatadhana na ang magiging buhay ng isang tao hindi pa man siya naisisilang. Ayon na rin ito sa mga palabas sa telebisyon at iba pa. Totoo man ito o hindi, may basehan man o wala, dapat nating isaisip na tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Nasa ating desisyon at mga aksyon ang kahihinatnan ng ating buhay sa hinaharap.

8
$ 0.00

Comments

congrats😊

$ 0.00
4 years ago

Haba nga hahahahah

$ 0.00
4 years ago

Napaka ganda ng iyong nga ibinahagibdito ipag patuloy mo lang yan. Sana ay ikay mag tagumpay sa mga susuongin mong pag subok sa mga adhikain mong nais marating.

Ikay mag sipag lang at ang yung mga adhikain ay hindi mananatiling pangarap lamang. Unahin ang dapat unahin bago ang sarili. Ngunit subalit datapwat huwag mong isantabi ang familya mo sa pag lalakbay na iyong tatahakin. Salamat

$ 0.00
4 years ago

Para sa ikakabuti nating kapwa mag aaral magsisikap tayo at para sa ating pamilya din na nag sasakripisyo sa atin, balang araw mararating din natin ang tagumpay sa awat ng tulong ng Dios.

$ 0.00
4 years ago

Don't take up engineering. Mas madaming course na mas malaki bayad and mas madali hanapan ng trabaho. Just imagine how many engineers graduate per year from different schools all over the world. How many job applications are left because of this. It's not to bring you down or anything but I'm just saying as a former engineer

$ 0.00
4 years ago