Mapanakit na salita

1 23

Ang hirap kapag mapanakit na salita na ang tila patalim na sumaksak sa katawan dahil bubulwak ang samu't saring emosyon palabas ng sistema mo, kung minsan hindi mo pa ito magagawang pigilan. Minsan kahit matagal mo ng kilala ang isang tao, sila pa mismo ang makakapag-iwan ng sugat sa iyong damdamin at kalaunan magiging pilat sa pagkatao mo.

Hindi natin masasabi kung sino o kailan tayo susubukin ng buhay upang maging biktima ng pananakot sa mga bagay na ito. Kung sinasadya man nila o hindi, marahil dahil na rin may iba silang pinagdadaanan sa buhay. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang laban sa buhay. May kanya-kanya lamang tayo ng paraan upang sugpuin ito. May iba na nagiging biktima ng pananakit ng kanilang sariling pamilya resulta ng pananakit din nila sa ibang tao. Naibabaling nila ang kanilang galit sa iba dahil hindi nila kayang harapin ito sa taong may kaalitan nila.

Ang mga taong ito ay hindi dapat kayamutan bagkus ay bigyang tuon ng pagpapahalaga at pag-unawa.

5
$ 0.00

Comments

Tama! kahit na di ko nabasa ang tula mo ay sana ipagpatuloy mo pa ang mga paggawa nh mga nakaka inspire na article.

$ 0.00
3 years ago