0
10
Kaya naniwala ulit ako. Kahit mahirap pagkatiwalaan ang mundo. Naniwala ulit ako. Mapa-engkanto, multo, o kahit anong kathang-isip na minsa'y naging totoo sa paningin ko. Naniwala ulit ako sa kanila. At sa pagkakataong ito, sinubukan kong maniwala sa sarili ko. Nakita ko ang daang tinatahak ko. Madilim at malalim. Pero kahit anung dilim at lalim pa ng buhay, naniniwala ako sa pag-asa. Sa pagkakataon. Sa halaga.
Sa lahat ng walang tiwala sa sarili, subukan mo, kahit papaano. Dahil sa huli, kahit maniwala pa sa'yo ang mundo, kung hindi ka naniniwala sa sarili mo, hindi ka mananatiling buo.