My Father's Love Part 1

7 28
Avatar for Chad
Written by
3 years ago

I will tell a story about my father's love for me and for my family.

Nung bata pa ako,nadarama ko na ang pagmamahal sa akin ng aking papa.At hindi ako nahihiyang sabihin na mahirap lang kami at Ang trabaho ni papa ay Foreman sa isang Construction Site.

Pag umuuwi si papa,hanggang tenga ang aking mga ngiti dahil lagi kung inaabangan ang dala niyang pasalubong,at walang sawa siya nagdadala ng pasalubong at dun ko nadama ang kanyang pagmamahal saakin.

At nung naging 5 years old na ako.Ipinasok na nila ako sa eskwelahan at lagi akong hinahatid at sinusundo ng aking papa.Nadama ko ulit ang kanyang pagmamahal.Habang siya ay abala sa pagtrabaho,ako naman ay abala sa pag aaral,lagi kung iniisip na nagpapakahirap si papa para mabuhay niya kami kaya dapat gagawin ko rin ang lahat para mapasaya siya.Nag aral ako ng mabuti para mapabilang ako sa matatalinong mag aaral sa aming eskwelahan,at ayon na nga napabilang ako dun hanggang sa nag Grade 6 na ako ay hindi ako natatanggal sa mga nangungunang mag-aaral.Lagi kung nakikita ang kanyang masayang mukha pagpinapaakyat siya sa stage upang ikabit sakin ang nagdadamihang medals at ribbons ko.

Habang nag aaral ako,si papa ay tudo kayod sa kanyang trabaho,at nung Grade 3 ako,nagpasiya siyang tumakbo bilang Brgy. Kagawad.Habang abala ang lahat para sa darating na eleksiyon,ako naman ay lubos na nagsusuporta sa aking papa.At nung sumapit na ang eleksiyon ay tudo ang kaba ng lahat,grabe ang taranta ni mama at papa dahil iniisip nila na baka matalo si papa sa eleksiyon.Pero hindi sila nawalan ng pag asa at nanalangin kami kay Papa God na sana manalo si papa sa eleksiyon.At yun na nga tinupad ni Papa God ang aming hiling.Nanalo si papa at ikapito siya sa mga nanalo.Nakikinig talaga ang Diyos sa atin.

At nung nanalo na si papa ay tinupad niya ang kanyang sinumpang tungkulin bilang brgy. Kagawad.Pero hindi niya tinigil ang pagtrabaho bilang Foreman.Kaya nng tumagal,umayos na ang aming pamumuhay.Gumanda ang aming bahay at ang gumanda ang aming buhay dahil sa pagmamahal ni papa.

Abangan niyo ang Part 2!!!

5
$ 0.00
Avatar for Chad
Written by
3 years ago

Comments

very nice story sobrang nakaka inspired.keep posting dude

$ 0.00
3 years ago

Ito po ang Part 2 ng story ko...Hope you'll enjoy it and Sana ma inspired ka♥️ https://read.cash/@Chad/my-fathers-love-part-2-f85672a4

$ 0.00
3 years ago

Yes po,stay tuned kalang sa next na mga post ko.Maraming salamat sa suporta!Godbless and Keepsafe!

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda naman ng istorya ng buhay mo. Kapag maganda talaga ang pundasyon ng pamilya maganda rin ang kahahantungan nito. Nakaka-proud pa nga kapag galing ka sa buhay na mahirap hanggang sa umasenso kana, mararamdaman mo talaga ang kasiyahan dahil nagbunga lahat ang pinaghirapan nyong buong pamilya lalo na ang pinaghirapan ng tatay niyo. Sana maraming tatay ang katulad ng tatay mo. Mabuhay po kayo.

$ 0.00
3 years ago

Salamat po ate!

$ 0.00
3 years ago