Time is Gold

0 10
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Ang oras ay itinuturing na parang ginto,,bakit dahil ito ay valuable,ika nga sa maraming nagsasabi na ito daw ang kanilang motto,dahil ang oras ay mabilis na lumilipas minsan nga masasabi mo na "ang bilis naman ng oras".

Bakit nga ba napakahalaga ng oras sa ating mga buhay?Pero bakit may ilan din na mga tao na inaaksaya lamang ang kanilang oras sa walang kabuluhang bagay?

Ako bilang isang ina o ilaw ng tahanan marami ako gawain sa loob ng aming bahay at maging sa pagaalaga sa aking mga anak kung minsan nga hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin ang aking oras,ngunit natutuhan ko na para mapabilis ang aking mga gawain at wala ako maaksayang oras mahalaga na matuto ako kung paano imanage ang oras o dapat may nakatakdang schedule ng aking mga gagawin.

Marami din na inaaksaya lamang ang kanilang oras sa walang kabuluhan bagay.

Tulad nalang ng pagbibisyo na hindi lang oras ang nasasayang sayo kundi pati nadin ang kalusugan mo na sinisira mo.

Pagka addict sa paglalaro ng mga video games, madalas nauubos ang oras sa buong araw sa paglalaro lamang nito, hindi masama maglaro kung ilalagay lamang sa oras.

Marami din satin na nagsasabi na sana kung ako lang ay nag-aral noon at nakinig sa aking mga magulang sana hindi ganito ang aking buhay.Sana kung nakinig lang ako at hindi agad nagpadala sa init ng katawan dahil sobrang bata pa ako sana malaya pa ako ngayon at hindi agad hinaharap ang mga obligasyon na ito.Sana kung hindi ako nagpadala sa galit ko hindi ko na sana nagawa ang bagay na masama at nakulong pako. Sana kung hindi kolang sinugal ang aking pera sana hindi kami nghihirap ng ganito..KUNG MAIBABALIK LANG ORAS...sana...

Ang oras kapag lumipas na wala na tayong chance para maibalik pa ito, hindi ito katulad sa mga pelikula o mga fantasy na may "TIME MACHINE para mabalikan ang mga bagay na hindi mo nagawa o mga bagay na gusto mong itama ang dapat nalang natin gawin habang may chance pa na baguhin o itama ang mga bagay o panahon na nasayang gawin muna agad huwag kana magpatumpik tumpik pa huwag na magpadelay delay pa.

Ang oras ay napakahalaga lalo sa mga taong pinapahalagahan ito.

2
$ 0.00
Sponsors of Chabel
empty
empty
empty
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Comments