Tiktok

0 3
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Tiktok?? sino nga ba ang hindi pa nakakaalam ng tiktok?bata matanda maski mga lola at lolo ay patok na patok ang tiktok app sobrang nakakaaliw nakakarelax at nakakaenganyo gumamit ng app na ito, kasi ang mga mapapanuod mo dito pwedeng pwede mo din magaya kahit hindi ka dancer mapapaindak ka kahit hindi ka singer mapapakanta ka at lalong kahit hindi ka artista mapapaarte ka.Sobrang nakakarelax at nakaka-goodvibes.Kahit nga manuod kalang sa ibang gumagawa ng video lalo na kung nagpapatawa sila maaaliw ka na at hindi mo mamalayan na lumilipas na pala ang oras at wala ka ng nagawa hehe

Masasabi kong lalong naging patok ang app na ito nong nag lockdown dahil nasa loob lang ang mga tao at walang magawa dahil hindi pwede mag mall or mamasyal isa ito sa naging outlet ng marami maski nga ako nagiliw na gumamit ng app na ito dami mo kasing pwedeng magawa ganon din ang aking bunso na natutong gumamit nito,sobrang dali din kasi matutunan ang paggamit nito.

May mga features din na pwedeng magamit sa mga gagawin mong video pwede ka magkaron ng make up maging trio pumanget magkaron ng accessories meron din mga songs na pwedeng magamit mo magayahan ng sayaw sa gagawing video.Sobrang daming pwedeng magawa dahil sa app na ito masasabi kong sobrang patok na patok ito sa buong mundo naging libangan na nga ito ng marami.

Dahil sa app na ito maraming talento ang na enhance at naka pagboost ng kanilang confidence higit sa lahat maraming tao ang napapasaya ng Tiktok kaya sa nakainbento nito sobrang thank you po

2
$ 0.00
Sponsors of Chabel
empty
empty
empty

Comments