Step father

0 10
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Masarap magkaron ng tatay. Tatay na magtatanggol sayo,tatay na dadamay sayo,tatay na katulong ng iyong ina sa pagpapalaki at pagtaguyod sanyo. Pero paano kung ang itinuring mong tatay siya pa ang mananakit sayo at magpapahirap?Nais kong ibahagi sanyo ang naging karanasan naming mag ate sa kamay ng aming ama-amahan.

Lumaki kaming mag-ate na hindi namin nakasama ang aming tunay na ama,kung hindi ang aming step father na ang aming kinalakihan sabi ng aking ina 1taong gulang pa lamang ako siya na ang aming kinagisnang tatay.Tatay ang tawag namin sa kanya sa puso ko siya na ang tatay ko talaga all do na alam ko naman hindi siya ang aking biological father,maganda ang pakikitungo niya samen, ngunit unti-unti iyong nagbago habang tumatagal hindi naging pantay ang pagtrato niya samen ng ate ko kaysa sa anak niya na bunso naming kapatid.Dahil ang nanay ko ang madalas wala dahil sa nagtratrabaho kami ang madalas niyang inuutusan ng mga gawaing bahay,kapag kami ay nagkakamali pinapaluhod niya kami sa asin o sa munggo,pinapalo ng kawayan minsan sa pwet,minsan sa pwet ka nga papaluin pero dapat tanggal ang pang-ibaba mo short kaya manginig kadin sa sakit kapag hindi naman dumapa kung saan saan kadin papaluin sobrang sakit para sa batang katulad namin natatandaan kong ako noon ay 10 taon at ang aking ate at 12yrs old,minsan babatuhin ka pa ng kung ano-ano kahit san nalang tatama pag naglalaro kami at nagising namin siya ay palo o sampal na agad ang aabutin namin or papatayuin kami sa damuhan.Kapag kami naman ay nagsumbong sa aming ina kawawa din kami dahil sa kanya kami maiiwan paparusahan nya din kami kaya wala kami choice kung hindi nalang magsumbong.Mahirap din kasi kapag nagaway sila nang aking ina dahil nasasaktan niya din ito kaya pinipili nalang namin manahimik kasi ayaw naming masaktan si nanay ko.

Naging mahirap ang aming sitwasyon wala kaming laban dahil mga bata pa lang kami,iniisip ko lalaki din ako at makakalaban din ako sakanya.Pero kaylan pa?

Mas lalo pang naging mahirap kasi wala na nga siya masyadong naitutulong financial eh nagbibisyo pa siya sigarilyo sugal at drugs sobrang perwisyo at nakakatakot din dahil iba ang kaniyang pinapakita lalo kapag nakakagamit siya ng bawal na gamot.Pinapalayas na siya ng aking ina ngunit balik pa ng balik,babait sa simula tas kalaunan magiging leon na naman na mabangis kahit ang tinatagong pera ni nanay nanakawin pa at isusugal sobrang naawa na kami kay nanay pero wala kaming kakayahan pa na lumaban

Kapag ako ay pumapasok sa school ay masaya ako dahil feeling ko nakakatakas ako sa problema na mayroon sa aming bahay doon nagiging masaya ako parang ayaw ko ng umuwi kung pwede lang sana ay hindi na talaga uuwi ngunit naiisip lang namin ang aming nanay.

Palagi kong dinarasal na sana nandito nalang ang tunay naming tatay kasi baka hindi niya kami masasaktan katulad ng ginagawa ng amain namin samen at sa nanay namin sana hindi nalang sila nagkahiwalay.

Sa naging sitwasiyon namin nakaranas man kami ng pangmamalupit sa aming step father pero mas pinili padin namin ang magpatawad OO nagkaron kami o ako ng galit o poot sa sobrang hirap ng dinanas namin pero ipapasa Dios kona lang ang kaniyang mga ginawa.Mas mabuting mabuhay tayo ng walang galit o poot sa ating puso dahil ito din ang magpapalaya sa aten sa mapait na nakaraan.

1
$ 0.00
Sponsors of Chabel
empty
empty
empty
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Comments