Pangarap

0 10
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Bawat isa satin may kanya kanyang pangarap,pangarap na maging doctor guro arkitekto,engineer artista singer.Pero paano kung ung pangarap mo hindi natupad? masasabi mo bang failure ka?

Isang panahon ng aking buhay nangarap akong makapag-aral ng kolehiyo at gusto kong kumuha ng kursong accountancy ngunit may mga bagay na hindi mu talaga makukuha lalo kung mahirap ka.

Nang ako'y makatapos ng high school ay lumapit kami ng aking ina sa aking ama separated sila,ngunit hindi napagbigyan ang inilapit namin,kaya ang pangarap kong makapag-aral sa kolehiyo ay hindi natupad.Gayunpaman hindi kami nawalan ng pag-asa sinikap ng aking ina na ako ay makapag-aral parin kahit sa Tesda (6mos.)

Nang ako'y makatapos sa 6mos vocational course naghanap agad ako ng trabaho upang makatulong sa aking ina,Isang operator ito ang naging unang trabaho ko,hindi man ito ang pinangarap kong trabaho pero nagpapasalamat ako sa Dios at Proud kong masasabi na my trabaho ako at hindi nakatambay lamang at pahirap sa aking magulang,marami din akong napasukang ibat-ibang kumpanya,ngunit hindi ata ang pamamasukan sa isang kumpanya ang palad ko kundi pagtitinda katulad ng aking ina.Kami ay nagtitinda ng ukay-ukay ito ung mga panindang 2nd hand kung tawagin,natutunan namin kung paano din makapaglive selling na siyang nagpalaki ng aming kita.Dito ako ang naging taga compute ng mga nabibili nagiging income taga invoice sa mga costumer at natutuhan kodin kung paano makipag deal sa ibat ibang klase ng tao,natutuhan ko na dapat pala mahaba din ang psensya mo dahil dito marami akong natutuhan.Naisip ko na hindi man natupad yung pangarap kong maging accountant at makapagtrabaho sa bank naging accountant naman ako ng aming sariling negosyo at naisip ko na hindi kona kaylangan pang mamasukan dahil kami ang boss sa sariling negosyo.

Minsan sa buhay may mga pangyayari na masama kong titignan mo,dahil hindi umayon sayo ang gusto mo sanang mangyari sa buhay mo pero may mass magandang plano pala sayo ang Dios at mas maganda pa sa gusto mo sanang mangyari sa buhay mo basta wag lang mawala ang faith mo sakanya.

2
$ 0.00
Sponsors of Chabel
empty
empty
empty
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Comments