Moebius Syndrome
Bawat tao may ibat-ibang mukha, mukhang galit, malungkot, masaya natatakot.Pero paano kung ang mukha mong masaya galit natatakot malungkot ay iisa?
Nang ako ay nanganak 6mos ago nalaman namin na ang aming anak ay mayroong sakit na Moebius Syndrome kaya ako ay naging interesado kung ano ang sakit na dumapo sa anak ko kung ito ba ay curable paano at saan ito nakuha?
Sa article na ito ibabahagi ko sanyo ang ilang bagay kong nalalaman patungkol sa sakit na ito at ang sariling karanasan bilang isang magulang sa anak na mayrong karamdamang ganito.
Ano nga ba ang Moebius syndrome?
Ito ay absence of cranial 6th and 7,na nagkokontrol sa eye movement at facial expressions,minsan pati ang pangdinig ay naaapektuhan din nito,nagkakaroon na ng sakit na ito paglabas pa lang ng bata sa kaniyang ina.Sinasabing dahilan ng sakit na ito ay unknown parin hanggang ngaun.Subalit may nagsasabi ito daw ay kakulangan sa supply ng dugo during 1st trimester ng isang buntis nainuman ng mga pangpalaglag na gamot or hindi tamang pag-inum ng mga vitamins ngunit ito ay theory lamang at wala pading sapat na batayan hanggang sa ngayon.
Ito ba ay Curable?
Hindi,ang maaari lamang magawa sa may sakit na katulad dito ay ipa-therapy upang maistimulate ang kanilang mga ugat at malessen ang mga sintomas nito.
May gamot ba sa taong mayroon nito?
Therapy lamang or surgery ang alam kong pwedeng magawa sa may sakit na ganito kung sila ay may cross eye clubfoot dikit dikit na kamay.
Tumatagal ba ang buhay ng may sakit na Moebius syndrome?
Kung sila naman ay walang ibang complication sila ay normal na buhay.
Ngunit kadalasan sa may moebius ay hindi nakakatawa or hindi nakakapagbigay ng kanilang facial expressions dahil wala silang kakayahan dahil mahina ang kanilang mga muscles,bilang isang ina na may anak na may ganitong karamdaman sobrang sakit na isipin kaylan man hindi ko makikitang ngumiti ang aking anak😪
Ito ang ilan sa mga bagay na nalalaman ko base sa sariling karanasan sa aking anak ng siya ay pinacheck up namin sa isang geneticist.
Maraming salamat sa inyong pagbabasa.