Bagong Simula

0 3
Avatar for Chabel
Written by
2 years ago

Bago ako magsimula ng pagsusulat ng iba't-ibang paksa nais ko munang magpakilala sainyo at ibahagi ang dahilan kung paano ko nalaman ang tungkol sa platform na ito.

Ako po si chabel 30 yrs old kasalukuyang nakatira sa Silang Cavite,kami po ay nasa iisang compound kasama ang magulang at nag-iisang kapatid ng aking asawa at kaniyang mga anak. May kani-kaniya kaming bahay kung saan ito ay ibinigay ng kanilang magulang maliit pero pinagpapasalamat namin sa Dios kasi kahit maliit may masasabi kaming amin,at hindi nangangailangang mangupahan pa.

Masasabi kong mabait ang magulang at kapatid ng asawa ko wala akong masasabi sakanila kaya sobrang swerte ko, ganon din ang aking napangasawa hindi man kami mayaman pero yung makaraos sa araw araw at meron kami naibibigay sa aming mga anak sobrang pinag-papasalamat namin sa Dios.Kami nga pala ay nabiyayaan ng dalawang anak ang panganay ko ay lalake at babae naman ang aming bunso,5 taong gulang ang aking panganay siya ay nagaaral bilang prep,ang aking bunso naman ay 6mos old.

Ang aking bunsong anak ang dahilan kung bakit ko nalaman ang tungkol sa read.cash sa kakahanap ko ng paraan para maka-tulong sa aking asawa,sa kakatanong tanong nabanggit ng aking pinsan ang patungkol dito at ang magagandang nagawa sa kanya ng pagiging miyembro ng read.cash, tinulungan at tinuruan nya ako kung paano ang mga dapat gawin.Tulad nya nagnanais din ako na makagawa ng mga article,para sa aking munting prinsesa sya po kasi ay aking pinanganak na may Multi Congenital dis order, ng sya ay aming pinacheck up sa Geneticist napag-alaman naming sya ay may Moebius at Poland syndrome (rare disease).

Bilang isang magulang gusto po namin magawa ang lahat ng paraan para maipagamot ang aming anak.

Kaya sa bumubuo at sponsors ng platform na ito maraming salamat po sa pag tanggap nyo sakin bilang isang bagong miyembro.

God Bless po

2
$ 0.00
Sponsors of Chabel
empty
empty
empty

Comments