Pag ibig !

0 3
Avatar for Cess14
Written by
3 years ago

Gusto ko lang ibahagi kung paano kami nag ka kilala ng aking asawa.

Naalala ko pa nung ako ay 3rd year highschool pa lang at 4th year highschool ang aking asawa ng ipakilala siya sa akin ng aking tita , ang tita ko ay kanyang kaklase. Nung una ay wala akong interes sa aking asawa dahil hindi pa ako nakaka move on sa aking first love, ng tumagal napanunuyo nya , araw araw na pag ttxt pag punta sa bahay upang maipakita ang sinsiridad sa panliligaw, nag pakilala sya sa aking mga magulang at mga kamag anak , pinupuntahan ako sa aking eskwelahan para ihatid at sunduin ako. Nakapa bait nya kung tutuusin, wala ako masabi sa kanya kundi puro papuri, binibida ko na nga sya sa aking nanay at tatay para lang maging proud din sila sa manliligaw ko. Hanggang sa umabot ng ilang buwan bago ko sya sinagot at sa halos araw araw ay ipinaramdam nya sa akin na hindi nya ako kayang saktan, sobrang sweet nya at maalaga, sabi ko nga wala na ako maihihiling pa . Hanggang sa nag propose sya sa akin na gusto nya na ako pakasalan , hindi na ako nag isip pa kundi ako ay pumayag na din kaya ngayon masaya kami namumuhay kasama ang dalawa naming anak.

1
$ 0.00

Comments