Ang sino man sa Aki'y mananahan
Mananahan din Ako sa kanya.
At kung siya'y mamunga nang masagana,
Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan.
Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay;
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.
Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama,
Sa inyo'y Aking ipinadarama.
Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan,
At bilin Ko sa inyo ay magmahalan.
Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay;
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.
Pinili ka't hinirang upang mahalin
Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin.
Humayo ka't mamunga nang masagana,
Kagalakang walang hanggang ipamamana.
Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay;
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.