Ang Droga ay dapat iwasan , dapagkat ito ay nakaka sama sa ating kalusugan, lalo na sa ating isipan. Ito ang dahilan kung bakit madaming krimen dito sa ating bansa , madaming naaabuso ag madaming namamatay dahil hindi kinayanan ang sakit sa droga.
Ang droga ay hindi kailanman makakabuti sa kahit kanino, maging ito ay sa kabataan, matatanda, mayaman o mahirap. Kahit anu mang rason at anggulo ito ay mali at hindi kapaki pakinabang.
Maraming dahilan kung bakit ang mga kabataan ay nalululong sa droga. Maaring magmula sa pamilya (broken family), mga personal na dahilan, paghihiwalay ng magkasintahan, kahirapan o impluwensya ng barkada o mga kaibigan.
Sa panahon ngaun at sa panunungkulan ng ating kasalukuyang pangulo, ang kalagayan ng mga kabataan at droga ay nagkaroon ng improvement. Mas kakaunti ngayon ang mga kabataang nalululong sa droga dahil na rin sa mga programa ng ating pamahalaan. Kung matatandaan, ang isa sa mga naging plataporma ng ating pangulo noong panahon ng kampanya ay ang pagsugpo sa droga.