Disiplina sa sarili!

0 2
Avatar for Cess14
Written by
4 years ago

Ang disiplina ay nangangahulgan ng pag control sa sarili na gumawa ng masama, o ang pagsunod sa mga alituntunin alam mong tama, pagpapakita ng kabutihang asal. Kung lahat tayo ay may disiplina sa sarili sana ay mayaman na ang ating bansa, wala ng mga krimen at hindi na tayo mamomroblema sa mga kinakaharap natin ngayon.

Kung may disiplina lamang ang bawat isa, siguradong di malayong tayo ay magkaroon ng mas matiwasay na pamumuhay, tahimik na pamumuhay. Tahimik na bansa at isang matagumpay na bansa.  

Kung may disiplina ang lahat ng mga mag-aaral sana ay mas maaga silang nakatatapos sa kanilang pag-aaral. Mas marami kabataan ang magiging propesyonal, mas maraming kabataan ang aasahan natin na magiging pag-asa ng ating bayan mas nakasisigurado tayo na magkakamit tayo mas maganda at maayos na bukas.

Kung meron kang disiplina ito ay nangangahulugan lamang na mayroon kang pag papahalaga sa iyong sarili maging sa iyong kapwa. Ang disiplina ay napaka halaga sa pang araw araw sapagkat naniniwala ako na ito ang magiging susi sa ating tagumpay.


1
$ 0.00

Comments