Ang butihin kong nanay !

0 8
Avatar for Cess14
Written by
4 years ago

Alam nyo ba yung pakiramdam na napaka swerte ko sa magulang ko lalo na sa mama ko . Yung pakiramdam na sa atim kong kapatid saakin napaparamdam ng mama ko na ako ang paborito nya sa lahat . Yung pakiramdam na hindi pa rin ako nag iisa kahit may asawat anak na ako. Nandyan dya kapag kailangan na kailangan ko ng tulong at pag gabay sa mga landas na tatahakin ko. Nandyan dya kapag kailangan ko ng badget lagi dya nag aabot saakin pambili ng gatas at pampers ng mga apo nya kahit na hindi nya naman na responsibilidad na mag bigay sa akin lalo na at pamilyado na ako . Pero eto sya pinaparamdam pa sa akin ang pagiging ina nya.

Pahalagahan natin ang ating mga nanay sapagkat Ang ating mga nanay ang kauna-unahag umiintindi, nagpapaalala at nagtuturo sa atin ng mga kabutihang asal. Sila ang nagbibigay proteksyon sa atin sa masama at gagawin nila mapalaki lang nila tayo ng maayos at maitaguyod ang ating buhay upang magkaroon tayo ng maayos at magandang kinabukasan.  Ang pagmamahal niya sa kanyng anak ay hindi matatawaran at hindi matutumbasan.

Sila din ang kaya mag tiis para tayo ay mapabuti lang at matugunan ang mga pangangailangan natin sa pang araw araw . Ayaw nila na tayo ay nahihirapan.

Napakalaki ng ambag ng ating mga ina sa ating buhay dahil isa sila sa mga taong maasahan natin sa mga orass ng pangangailangan. Ginagabayan at inaalalayan nila tayo hanggang sa ating paglaki at handang magbigay tulong kapag nakakaranas tayo ng mga problema at pagsubok sa ating buhay. Kaya ang ating mga ina ay yaman ng ating buhay, hindi natin mararating kung nasaan tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila. Kaya ang ating ina ay dapat natin alagaan at mahalin habang buhay.

1
$ 0.00

Comments