Why you should start trading?

0 27
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Ano nga ba ang trade or trading?

Isa sa mga pinag uusapan ngayong henerasyon ay ang trading . Madaming tao ang nag lalaan ng oras, kakayahan, at pera para lamang dito sa trade. Nakabubuti nga ba ang trade para sa ating mamamayan? Ano ang rason kung bakit madami ang nang huhumaling sa kalakalarang ito.

Kung ating hahalungkatin sa google ang salitang "trade" ay madaming lalabas at mga paraan para mag trade. Ngunit ano nga ba talaga ang trade or trading na tinatawag? Ang trade ay kagaya noong sinaunang panahon ay mayroon tayong tinatawag na "barter" na kung saan ang mga tao ay may mga produktong inaalok sa kanilang mga kapitbahay, kamag-anak , o sino pa man na nakapaligid sakanila.

Ang trade ay buying and selling! ngunit mas papolar na ginagamit dito ay pera or currency kesa sa mga produkto ngunit may mga paraan naman upang kumita ng currency kahit na wala kang ilabas na pera.

Sa pag t-trade kinakailangan nating gumamit ng puhunan upang kumita tayo. Ang kikitain mo ay depende sa puhunan mo kasi kung maliit lang puhunan mo ay maliit din ang kikitain kapag ka naman malaki puhunan mo ay malaki din kikitain mo ngunit! Ang kalaban mo o nating lahat dito sa trading industry ay ang oras at ang panahon.

Nakasalalay sa oras ang pag taas at pagbaba ng halaga ng isang currency! Kung kaya naman ay risky lalo na kung walang wala ka talagang pera. Parang sugal ang trading ngunit ang kinagandahan nga lang nito ay legal at hindi mo na kailangan pang dumayo kung saan para lang mag trade dahil kahit nasa bahay ka lang ay pwedeng pwede ka kumita in just one minute!

Noong una ay natatakot pa akong pumasok sa ganitong industriya dahil wala akong kaalam alam ngunit dahil readcash ay madami ako natutunan lalo na sa mga crypto currency . Sa pamamalagi ko dito sa industriya ng mga writer ay mas nabuksan ang aking isipan patungkol sa mga bagay na posible pala. Ang readcash ay isang uri din ng pag ttrade subalit nakapende ito kung paano ang strategy mo dito.

Malaking bagay ang readcash para saakin dahil sa pamamagitan ng pag susulat ng mga artikulo ay nakakakuha ako ng BCH or BITCOIN CASH na currency. Ang bch ay may halagang 17,351.38 PHP sa ngayon ngunit maaari pa itong bumaba o tumaas. Madami pang paraan upang kumita ng mga currency. Halimbawa nalang kung mahilig ka sa mga arts ay pwedeng pwede ka pumasok sa "opensea" na website at doon mo maaaring ishowcase ang iyong mga art kapalit ng "eth" or ethreum na may katumbas ngayon na 159,676.29 PHP at kung gusto mo naman na mag lalaro ka lang eh andito ang "axie infinity" na kung saan ay mag lalaro ka lang upang kumita ng slp . Ang axie ay may currency na tinatawag na " axs " at ito ay katumbas ng ₱3,246.13.

Ano nga ba ang Advantage ng pag trading?

Kung papansinin nating lahat ngayon ibang klaseng barter na ang nagaganap ngayon!. May dalawang paraan kasi tayo ng pag trade, ang isa ay mamumuhunan ka lang at aantayin ang pag taas at pag baba ng currency . Kapag ka mataas ang currency edi swerte ka kung nasa olympic ka, binance or ano pamang mga trading application ang pinasokan mo. Ang maganda dito ay kada segundo o minuto ay malalaman mo kaagad kung may kita ka o wala at isa pang masaklap na buhay dito ay kung nag trade ka ng malaki at hindi tumama hula mo, goodbye ka kaagad sa pera mo in just a minute. Kung tumama ka naman sure na sure na ang swerte mo!.

Ang pangalawa naman na paraan ay iyong mga nabanggit ko na opensea, axie infinity, at itong readcash. Madami pang ibang platform ngunit ito lang mga alam ko. Ngayon ang pinaka advantage neto ay kung magaling ka sa arts ay pasok na pasok ka sa top sa opensea, at kung magaling ka naman mag laro eh sure na sure ang panalo mo sa axie at ang pang huli hindi ko papatalo ang readcash! Nakakalinang kana nga ng talento sa pag susulat eh kumikita kapa ng bch!! Hindi naman madamot ang bot at mga writer nasa sayo nalang talaga iyan kung maganda ang nilalaman ng iyong artikulo.

Ilang buwan na ako dito sa readcash at patuloy padin akong sinusuportahan ng platform na ito sa pag earn ng bch.

Binabalak kong mag ipon ng bch at saka ibenta ito sa mas malaking halaga o kaya naman ay iponin ko lang at antayin ang pag taas ng currency!.

Para saakin dibale nang mababa nakukuha ko dito basta ang gusto ko lang ay malinang ang aking kakayahan sa pag susulat at upang dumami ang aking kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa dito sa readcash.

Sa ngayon kontento na ako sa kung ano meron ako. Kontento nako sa bot na namimigay ng tip dito sa readcash kaya naman sobrang saya ko padin na napasama ako sa pamilyang ito kaya abot langit ang pasasalamat ko!!

Hanggang dito nalang , sa susunod ule!!

1
$ 0.06
$ 0.06 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments