No place to give up!

0 23
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Samo't saring problema kada araw dumadating sa buhay natin na kung minsan ay hindi na natin kinakaya. Mga bagay na hindi naman dapat natin pinag bibigyan ng tuon , importansya at halaga na nag uudlok na sumuko na tayo sa kung ano nasimulan natin. Kung minsan naiisip ko sana di nalang ako nag simula para walang tatapusin pero mali pala ang aking pananaw sa buhay noon.

Palagi ko tinatanong sarili ko kung may puwang pa ba ako sa mundong ito dahil puro nalang problema at pasakit. Gusto kong mamuhay ng tahimik at masaya ngunit pano ko ito magagawa? Gusto ko ng kapahingahan ngunit hindi ko ito masumpongan. Gusto ko na sumuko ngunit pano naman ang aking mga nasimulan at ang mga taong umaasa sakin .

Hindi pa ako huli para sa lahat diba? At alam kong hindi pa ako nag sisimula sa tunay na laban ng buhay. Inihahanda ko palang ang aking sarili sa digmaan kaya bakit ako hihinto? Bakit ako susuko sa pag batak ng aking kakayahan? Kapag ginawa ko bang huminto at sumuko na lamang, may ipang lalaban ba ako sa tunay na digmaan?

Ang tunay na kasagutan ay nakita ko sa aking sarili at sa bibliya. Hindi dapat ako sumuko dahil sa mga problema at lalong lalo na dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Hindi dapat ako huminto dahil malayo layo narin ang narating ko . Kung saan malayo na ang aking narating saka pa ba ako susuko? Hindi!.

Walang rason para huminto sa pag sulat ng aking kabanata . Hindi rason ang kawalan ng tinta ng ballpen upang ihinto ang pag sulat, madaming paraan para makapag patuloy. Sabi nga nila "Kung ayaw may dahilan at kung gusto ay madaming paraan".

Gusto ko matapos na ang aking kabanta at para matapos ko iyon ay kailangan ko mag patuloy.

Mag patuloy sa kung ano ang nasimulan at mag tiwala. Lahat na istorya ay may wakas. Ang iba masaya ang wakas ang iba naman malungkot . Ngunit kahit ano pa ang maging wakas ng aking buhay ay mananatili akong Ako nga!

Gusto ko makamtan ang tunay na kapahingahan pag katapos ng yugto ng aking buhay. Saan ko ba matatagpuan ito? Ang tunay na kapahingahaan ang siyang nais ng bawat lahat!.

Hinanap ko ang kasagutan sa bibliya at hindi ako binigo ng banal na aklat.

"Ang tunay na kapahingahan ay makikita kay Hesus". Mag tiwala tayo kay Hesus at tiyak na may kapahingaan sa ating mga puso't isipan. Manalig at ialay ang iyong pag ibig nang saganon ay madama mo ang kanyang pag mamahal na mag pawalang hanggan.

Mag patuloy ka at siya ang tatapos ng lahat , siya pasimula at ang wakas " Alpha Omega ".

Sa simula palang dapat na sakanya na tayo upang sa huli ay sakanya padin tayo. Kasama natin siya sa bawat laban kaya bakit tayo matatakot?

Walang dapat katakutan sa pag harap ng mga problema! Dahil kasama natin siya. Nararapat lang na mag tiwala tayo katulad ng pagtitiwala niya sa ating Ama.

Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty

4
$ 0.46
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments