My Early new Year Resolution

0 23
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Lahat nang tao ay may gustong maachieve sa buhay at maging "Best Version " ng kanilang mga sarili. At isa na ako sa mga taong iyon. Gusto ko maging "Best Version of Myself" , gusto ko gumaling sa pinakamamahal kong propesyon at ito ang pagiging Web Developer at programmer. Ngayong darating na taon ay mas iigihan ko ang pag sasanay sa programming. Gusto ko pag tungtong ko ng 19 years old ay namaster ko na ang programming language na Php at mysql.

Gusto ko din na gumaling ang pag didisenyo ko sa web page /site . Lahat na patungkol sa programming na skills gusto ko ma acquired para sa mama ko at sa pamilya .

Hindi ako mapapagod na pag pursigihan pa ang pag eensayo ko sa development dahil hindi sila napapagod na suportahan ako at mahalin. Walang dahilan upang sumuko sa pangarap!

Isa pang gusto ko maachieve sa buhay ay ang mag karoon ng 1 bitcoin kaya naman mag sisipag ako sa Read Cash . Mag sisipag ako na mag publish ng magaganda at kapaki pakinabang na artikulo dito sa pinakamamahal kong Read Cash.

Ito lang ang tangi kong nalalapitan sa lahat ng oras pag dating sa pag lalabas ng lahat na gustong kong ikwento. Nakakatuwa at nag papasalamat ako na nakilala ko ang Read Cash.

Noong hindi ko pa nakikilala ang Read Cash panay din ang sulat ko sa papel at kung ano ano ang kini-kwento ko, pero ngayon na andito na ang Read Cash ay mas gumaan pakiramdam ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba o hindi na tuparin ang hiling ko na sana may dumating na platform kung saan pwede ako mag sulat . Yong mga panahon na hirap na hirap ako ay hiniling ko talaga ma mag karoon ng ganito sa kadahilanang madami akong gusto ipayahayag .

Sana pag dating ng araw ay maging isa na din ako sa mga list ng top tipper , hindi para maging disenyo sa aking profile kundi upang makatulong ako sa mga writer ng Read Cash. Gustong gusto ko ang tumutulong kaya kung palarin man na tumaas ang makukuha ko sa Read Cash ay hindi ako mag dadalawang isip na mag Upvote sa mga writer.

Gusto ko madama ng Read Cash na "worth it" ang pag tulong nila sakin at pag upvote palagi sa mga pinupublish ko.

Sa pag tatapos ng taong 2021 nakaipon ako ng mahigit 25dollars at masaya ako sa natanggap ko. Ganito naman talaga kapag nag sisimula palang at napakalaki talaga ng naidulot na saya at pag asa ng Read Cash saakin. Mag malaki man o maliit makuha ko sa Read Cash ay mananatili akong masaya sa piling ng platform na ito at hinding hindi ko ito iiwan.

Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty

4
$ 0.23
$ 0.23 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments